Stags wagi sa Generals

WINAKASAN ng San Sebastian ang tatlong sunod na pagkatalo matapos ang 90-69 pangingibabaw sa Emilio Aguinaldo College sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.

May 27 puntos si Jamil Ortuoste habang si Jovit dela Cruz ay gumawa ng 25 puntos at ang dalawa ang nagpasiklab sa running game ng Stags upang saluhan sa pang-apat na puwesto ang pahingang Jose Rizal Univesity sa 5-5 baraha.

Si Dela Cruz ang nagdala sa laban ng Stags sa ikatlong yugto at ang kanyang walong puntos ang nakatulong para ang 45-all iskor ay naging 61-53.

Ipinagpatuloy ni Ortuoste ang magandang laro ng mga guards ng Stags sa huling yugto at ang kanyang buslo matapos ang tres ni Leo de Vera ang naglayo sa Stags sa 87-64.

Read more...