“BEST birthday gift ever!” Ganyan inilarawan ng actress-model na si Wilma Doesnt ang pagpo-propose sa kanya ng non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin.
Yes, after 14 years bilang magkarelasyon ay engaged na nga sina Wilma at Gerick na very proud na ibinandera ng komedyana sa kanyang social media account.
Ipinost ni Wilma ang video sa Instagram kung saan makikita siyang nagho-host para sa isang outdoor event. May pa-countdown pang naganap na pinangunahan din ni Wilma.
After nga nito, unti-unti siyang nilapitan ng boyfriend hawak ang engagement ring at biglang lumuhod sa harapan ni Wilma.
Kitang-kita sa video ang pagkagulat ng komedyana habang tawa nang tawa sa harap ni Gerick at ng kanilang mga kaibigan — hanggang sumagot na nga siya ng, “Yes, of course!”
Saktung-sakto naman ang pagpo-propose ni Gerick sa kaarawan ni Wilma kaya double celebration nga ang naganap sa venue.
Sa caption na isinulat ng aktres at model sa kanyang IG post, pinaalalahanan niya ang mga kababaihan tungkol sa “value of patience in love”.
“The best birthday gift ever!!!! Happy birthday to me!! Yahoooo but seriously, to all the woman [sic] out there never give up on love. Your past doesn’t define you nor your mistakes in life. I called it process.
“Trusts the process kasi may mas magandang naghihintay sa yo. Patience is a virtue but for patience is a waiting. learn to wait. your time will come no matter what it will happen. never loose yourself its because you made mistakes.
“Forgive your self, respect and love yourself above all.
“Para mahanap ka ng taong nakatakda para sau. maraming maraming salamat sa lahat ng naging parte ng buhay ko!!! mahal na mahal ko kayong lahat!!!
“PS: treat your man like a king so that he can fulfilled his duties to her queen or should i say to his highness!!!!” ang pahayag pa ni Wilma.
May tatlong anak na ang komedyana mula sa kanyang past relationship, sina Asiana, Emilia, at Araion.
Sa isang panayam, sinabi ni Wilma na talagang napakahirap din ng pinagdaraanan niya bilang solo parent. Hindi raw biro ang magpalaki ng tatlong anak lalo’t mag-isa lang siyang nag-aaruga sa mga ito.