UMALIS na nang Pilipinas ang OPM icon na si Jaya matapos magdesisyon ang kanyang pamilya na sa Amerika na manirahan para muling makapagsimula ng kanilang buhay.
Nauna nang nagtungo sa US ang asawa ni Jaya (Maria Luisa Gotidoc sa tunay na buhay) na si Gary Gotidoc kasama ang kanilang anak.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Jaya ng kanyang litrato habang nasa airport at naghihintay ng kanilang flight.
Aniya sa caption ng kanyang IG post, “Let’s do this!!! Now it’s time to see my dear husband @garygotidoc and son @gavingotidoc and start this new journey God has planned all along.”
Nagpasalamat din ang tinaguriang Queen of Soul sa kanyang mga tagasuporta at kaibigan sa showbiz na nagpadala ng magagandang mensahe para sa bagong chapter ng kanyang buhay.
“I guess I’m saying goodbye to everyone right now. I’m just saying thank you and basta, balik na lang ako ‘pag open na lahat.
“Sa lahat ng friends ko, thank you. Sa lahat ng fans, sa lahat ng mga nakatrabaho ko, sa lahat ng mga naging boss ko, mga managers ko, sa lahat, thank you very much. Until next time,” ang mensahe pa ni Jaya sa kanyang video post.
Kung matatandaan, unang nagpaalam si Jaya sa “It’s Showtime” at sinabing sa Amerika na sila titira ng kanyang pamilya at iiwan na muna niya ang showbiz.
“Nu’ng lumipat ako sa ABS, kayo ‘yung tumanggap sa’kin. For me, I am going to leave with a heavy heart. But I am happy because I’ve had the honor and privilege to work with very excellent host that truly accepted me and loved me,” naiiyak na sabi ni Jaya.
“Of course, hindi rin nito nakalimutan ang Panginoon sa pagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na harapin ang mga challenges na kanyang hinarap sa panahon ng pandemic.
“Ako nagpapasalamat ako sa Panginoon, dito niya ko dinala. Tingnan mo, di siya nagsara. Lord, thank you for this opportunity to still… Me standing up in the midst of all my trials na ilang taon din ‘yun.
“Showtime, Tawag ng Tanghalan, ABS-CBN, my heart is with you. You will never close. I claim that because you’ve helped so many people not only the public, even me na isang singer na katulad ko. Namayagpag ng sandali dahil sa pagtanggap ninyo. Maraming salamat.
“I pray that when this station opens up, pagbalik ko again, sana tanggapin nyo pa rin ako. Sa lahat ng mga Kapamilya, maraming salamat for the honor and privilege,” pahayag pa ni Jaya.