MAY gagawin bang pelikula o teleserye sina Coco Martin, Julia Montes at JM de Guzman?
Kaya namin ito naitanong ay dahil may group picture ang tatlo kasama ang mga direktor na sina Erik Matti at Richard Somes, na ipinost mismo ni JM sa kanyang Instagram account na may caption, “Yes? yes. #lawofattraction.”
Unang-unang nag-react si Gerald Anderson ng thumbs up at clapping hands emoji.
Nagsasaya naman ang CocoJuls fans tulad ni @anne.maria74 na nagsabing, “TO GOD BE THE GLORY. COCOJULIA IS BACK! (emoji heart). CARDO AND ANA DIMASALANG DOBLEKARA. SANA TELESERYE NA LANG KASI KAPAG MOVIE SARADO OA MYA SINEHAN DAHIL SA PANDEMIC.”
Say naman ni @shengskier86, “@andersongeraldjr gerald idol sana mgka movie kayu ulit ni julia montes.”
Ang aktor na si Jay Gonzaga na kasama rin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang si James Cordero ay nag-react din ng, “YES.”
Sabi ni @justmejulia_, “OMGGG JULIA MONTES IS BACK!!”
May nagsabing bagay magsama sina Cardo at Peterson sa pelikula. Si JM ay si Peterson sa seryeng “Init sa Magdamag” at si Cardo nga sa “Ang Probinsyano.”
Isa rin daw si @_arevalorubie sa mag-aabang sa nasabing proyekto, “Wow Abangers na ako dito ang lupet ng cast tapos direk erik matti pa.”
Samantala, tinanong namin ang management company ni Julia kung may project ang aktres kasama sina Coco at JM pero hindi kami sinagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.