Janus kumampi kay Bea: Ano’ng kinalaman ng farm? Regalo mo ba sa kanya ‘yun Direk?

“LOYALTY is a two-way street. If you’re asking it from me, make sure I’m getting it from you.” Ito ang post ni Janus del Prado sa kanyang Instagram account kahapon.

Walang binanggit na pangalan si Janus, pero ang followers niya ang nagsabing si Bea Alonzo ang tinutukoy ng aktor para ipagtanggol sa bashers na kumukuwestiyon sa loyalty nito 

Ang paliwanag ni Janus, “Repost ko lang ulit para sa mga di makaintindi how loyalty works.

“Bago niyo nga pala sabihan na hindi marunong tumanaw ng utang na loob ‘yung tao, make sure na may ‘utang na loob na kailangan tanawin.

“It’s not like they gave her handouts, pinaghirapan niya naman kung nasan siya ngayon. At kumita din naman sila ng malaki sa karera niya.

“Gratitude is given, not demanded. At ibinigay niya naman iyon.

“Stop this guilt trip bullshit sa mga umalis at lumipat. Kailangan namin magtrabaho para sa sarili at mga taong umaasa sa amin.

“Kikitid ng utak amputa. Balakayojan.

“PS: Ano kinalaman nu’ng Farm niya sa paglipat niya? Regalo mo ba sa kanya ‘yun Direk? Kailangan niya rin bang tanawin na utang na loob ‘yun? 

“Pinagpuyatan, pinaghirapan at pinag-ipunan niya ‘yun. Kung manunumbat make sure may karapatan manumbat. Kala mo naman malaki naitulong mo sa career niya.

“Time! (mic drop) Chos.”

Pinuri naman si Janus ng netizens sa pagtatanggol niya sa kaibigang aktres.

Sabi ni @laloucajucom, “You only need one janus kind of friend in your life.”

Mula naman kay @jidwijidwi, “Very well said…. ‘yan ang totoong kaybigan….. hindi mapanghusga bagkus malawak ang pag-iisip at marunong intindihin ang kapwa (clapping hands emoji).”

Say ni @annajoymanalo, “Gusto ko tuloy i-tag ang mga bakla!! Kainis thanks Janus!!”

Sabi rin ni @zeralovesu, “Sobrang bayad na si Ms. B kung s utang n loob lang andami nya naipasok na Kita sa inyo nuh and sobrang professional n artist pa kaya well deserved nya sundin ang nasa puso nya.”

Wala naman kaming nabasang reaksyon mula sa mga kaibigan ni Janus sa Kapamilya network na madalas mag-react sa bawa’t post niya sa IG kasama na ang ilang direktor.

Read more...