Erich type bumida sa Pinoy version ng K-drama na ‘Mine’; walang balak mag-quit sa showbiz

KUNG may isang Korean series na gustong i-remake at pagbidahan ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales, yan ay ang patok na patok ngayong “Mine.”

Ayon kay Erich, isa ito sa mga K-drama na talagang sinubaybayan niya at talagang ninamnam ang bawat eksena.

Napapanood ito ngayon sa Netflix at usap-usapan lagi ng mga netizens sa social media. At sabi nga ni Erich, kung magkakaroon ng Pinoy version ang “Mine” nais niyang mapasama sa cast.

Sa latest vlog ng aktres, sinagot niya ang ilang tanong ng netizens tungkol sa kanyang career at personal na buhay. Isa nga sa mga inusisa sa kanya ay kung anong K-Drama ang nais niyang i-remake in the future.

At mabilis ngang isinagot ni Erich ang “Mine” na pinagbibidahan ng sikat na Korean actress na si Lee Bo-young kasama ang iba pang magagaling na K-drama stars na sina Kim Seo-hyung, Lee Hyun-wook at Ok Ja-yeon. 

“’Yung latest K-Drama ko na napanood, ‘yung Mine. I think ‘yun talaga ‘yung isa sa mga role na gusto kong role kasi it’s very empowering,” sey ng dalaga.

Kasunod nito, hinikayat niya ang kanyang mga fans at social media followers na panoorin din ang nasabing serye dahil tiyak daw na magugustuhan din nila ang programa.

“If hindi niyo pa pinapanood, I highly recommend you to watch Mine. Let me know what you think,” sey ng lead actress ng Kapamilya series na “La Vida Lena.”

In fairness, agree kami kay Erich dahil isa rin kami sa mga naadik sa “Mine” dahil bukod sa kuwento nito na tumatalakay sa masalimuot na buhay ng mga super rich, magagaling talaga ang cast at napakarami ring twist ng istorya.

Samantala, sinagot din ng aktres ang tanong kung nakikita na ba niya ang sarili na magku-quit din sa mundo ng showbiz. 

“Parang no po. Parang hindi ko po nakikita ‘yung sarili ko na magqui-quit ako sa showbiz anytime soon or kahit sa future because acting is really my passion.

“This is something na I really love to do. And for as long as you want me, gusto niyo pa po akong mapanood, then I am here to stay,” katwiran ng dalaga.

Read more...