HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang ibinibigay na update ang aktres na si Kris Bernal tungkol sa pambibiktima sa kanya ng isang scammer.
Dumulog na ang dalaga sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong nagdaang Lunes para ireklamo ang taong nasa likod ng naranasang fake delivery booking kamakailan.
Aniya, ginagawa niya ito hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa lahat ng mga delivery riders na nabibiktima ng mga scammer, “To get bookings as much as they can, alam mo ‘yun, gusto nila ma-book nang mag-book tapos ito pa magkakaroon pa sila ng problema, ipa-process pa nila.
“Siyempre, gusto naman nila at the end of the day ay marami sila makuhang bookings dahil diyan sila kumikita at tsaka ang liliit ng kita ng mga Grab drivers na ‘to. So, gusto ko lang sila bigyan ng justice.
“Actually, sa akin okay lang, e, naabala ako okay lang. Pero ‘yung mom ko kasi naabala rin and siya ‘yung kumakausap sa mga drivers, kasi she wanted to protect me also and my mom is already a senior, so ayoko rin na lumalabas-labas siya, pero naabala siya.
“So, this is actually not just for me but for my mother and also doon sa mga riders na kahit saang delivery service na na-scam at naloloko,” paliwanag ng aktres.
Samantala, naglabas na rin ng official statement ang Grab Philippines hinggil sa nasabing insidente na nangakong patuloy silang makikipag-ugnayan sa otoridad para sa ikalulutas ng issue.
“It has been brought to our attention that someone has recently used our platform to place multiple orders – causing undue stress to Ms. Kris Bernal and our driver-partners.
“Grab has a zero-tolerance policy on fraudulent activities. Upon learning of this incident, we have immediately conducted our investigation and we have blocked the
“We are also working closely with Ms. Kris Bernal on the matter, and we have reimbursed our delivery-partners who have fallen prey to this fraudster.
“Grab Philippines will continue to extend its cooperation with the local authorities in their investigation,” ang kabuuang mensahe ng nasabing delivery company.