Mylene Dizon galit na galit pa rin sa pagpapasara sa ABS-CBN: I’m still naiinis about it

IPAGPAPATULOY pa rin ng award-winning actress na si Mylene Dizon ang pakikipaglaban para sa pagbabalik ng prangkisa ng ABS-CBN.

In fairness kay Mylene, kahit nasa GMA siya noong panahong ipinatitigil ang operasyon ng Kapamilya network ay hindi siya nagdalawang-isip na maki-join sa rally ng mga empleyado at artista ng istasyon.

“During that time I wasn’t with ABS-CBN, I was with another network finishing a project with them. I was with them. I joined the rally. I stood outside the station. I sang with them. 

“Itinaas ko yung kamao ko for ABS-CBN. Sumugod kami from Cavite talagang pumunta kami. I’ve been with ABS-CBN for 25 years so ang tagal-tagal ko na du’n. 

“Yung mga nakakatrabaho ko ngayon from cameraman, gaffer, yung staff, yung crew, basta lahat yan matagal ko na silang kaibigan. Kailangan magtutulungan na lang tayo para kahit paano naman lahat tayo happy somehow. 

“But I’m still very, very pissed about what happened a year ago. Siguro yung galit ko noon hanggang ngayon pareho pa rin yung level,” ang tuluy-tuloy na pahayag ng aktres sa virtual mediacon para sa iWantTFC Original Series na “My Sunset Girl” na ipalalabas na sa July 14.

Ayon pa kay Mylene, positibo pa rin siya na makakabalik muli sa ere ang ABS-CBN, “Siyempre hanggang ngayon malaking kawalan pa rin kasi a big chunk of our company is still not operating di ba?

“We are still not able to relay lahat ng news na dapat ihahayag natin. I’m still naiinis about it. I’m still going to fight with ABS-CBN para maibalik yun. 

“As for working, I think that is the reason we are all still working. Hindi lang sa gusto natin na meron tayong kita. 

“We are all willing to work kahit alam natin maski paano kahit gawin natin lahat ng mga protocols meron pa rin tayong chance na magkasakit dahil magkakasama tayo sa set and so on and so forth. 

“Pero nagtatrabaho tayo kasi kasama natin yung mga kasamahan natin sa ABS-CBN and we all need to parang kailangan natin mag-kapit bisig tayong lahat para magkaroon tayo ng trabaho for everybody, for the entire company. 

“We’re not just doing this for ourselves. I’m not doing this for myself. I’m doing it for everybody, for the company,” lahad ng aktres.

Samantala, bukod nga sa umeereng teleserye niya sa Kapamilya Channel na “Huwag Kang Mangamba”, makakasama rin si Mylene sa “My Sunset Girl” ng iWantTFC Original Series na pagbibidahan ni Charlie Dizon.

“I play the very, very protective mother of Charlie Dizon. I’m very, very protective kaya napunta si Charlie sa situation niya was because sa pagiging protective ko masyado sa kanya. 

“May flaws yung tao, lahat naman meron eh. Yun yung flaw ko, yung masyado akong naging protective kay Charlie na umabot sa point na wala na ako sa ayos. Hindi na tama,” paglalarawan ni Mylene sa kanyang karakter.

Tutukan ang bagong pasabog na handog ng iWantTFC Original Series na “My Sunset Girl” starting July 14 at 8 p.m.. Makakasama rin dito sina Jameson Blake at Joem Bascon, sa direksyon ni Andoy Ranay. 

Read more...