Kris Bernal humingi ng saklolo sa NBI para hantingin ang nasa likod ng fake delivery booking

DESIDIDO ang aktres at negosyanteng si Kris Bernal na panagutin at maparusahan ang taong nasa likod ng fake delivery booking gamit ang kanyang pangalan.

Hindi raw basta tatahimik ang dalaga sa nangyari sa kanya nitong weekend kung saan dumagsa ang sandamakmak na pekeng delivery bookings sa bahay niya kung saan ginamit nga ang pangalan niya para makapangloko.

Sa post ni Kris sa Instagram, idinetalye niya ang naging karanasan nang dagsain sila ng ilang delivery riders. 

Nasa pangalan niya ang mga order ngunit ipinagdiinan niya wala siyang inorder noong araw na ‘yon. Kaya naman naloka ang aktres dahil first time niyang mabiktima ng ganitong uri ng modus.

Kahapon, nagtungo si Kris sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) para pormal na magsampa ng reklamo at humingi ng tulong na alamin kung sino ang taong nasa likod ng panlolokong ito.

Sabi ni Kris patungkol sa mga delivery riders, “To get bookings as much as they can, alam mo ‘yun, gusto nila ma-book nang mag-book tapos ito pa magkakaroon pa sila ng problema, ipa-process pa nila.

“Siyempre, gusto naman nila at the end of the day ay marami sila makuhang bookings dahil diyan sila kumikita at tsaka ang liliit ng kita ng mga Grab drivers na ‘to. So, gusto ko lang sila bigyan ng justice.

“Actually, sa akin okay lang, e, naabala ako okay lang. Pero ‘yung mom ko kasi naabala rin and siya ‘yung kumakausap sa mga drivers, kasi she wanted to protect me also and my mom is already a senior, so ayoko rin na lumalabas-labas siya, pero naabala siya.

“So, this is actually not just for me but for my mother and also doon sa mga riders na kahit saang delivery service na na-scam at naloloko,” paiwanag ni Kris sa panayam ng GMA.

Kuwento ni Kris, umabot sa 23 pekeng food delivery bookings ang dumating sa bahay nila.

“Sadly the amount of the deliveries are of no jokes. Please help me report to @grabfoodph @grab_ph Kawawa po ang mga riders, umuulan pa. Please help!

“I neither have enemies nor did I offend someone. I have no idea who did this and I can’t remember any incident that triggered this to happen.

“All I know is I didn’t do anything wrong to someone for me to deserve this kind of treatment. What saddens me the most is I’m not the only one affected in this situation but also the Grab drivers who were victims of the fake deliveries. 

“I really hope that there was even a bit of sympathy to the riders. They are the main victims here. I hope the person who did this will feel a bit of conscience,” sabi ni Kris sa nauna niyang IG post.

Read more...