PURING-PURI ng dalawa sa mga premyadong aktres sa bansa na sina Jaclyn Jose at Dina Bonnevie ang Kapuso star na si Jasmine Curtis.
Naniniwala ang mga nabanggit na seasoned veteran actress na magtatagal din sa showbiz industry ang kapatid ni Anne Curtis dahil sa husay at professionalism nito.
Sa ginanap na virtual mediacon ng upcoming Kapuso series na “The World Between Us” na pinagbibidahan nga nina Jasmine at Alden Richards, puro magagandang salita ang ibinigay nina Dina at Jaclyn sa dalaga.
Tila hiyang-hiya namang nagpasalamat ang aktres sa mga natikmang papuri mula sa dalawang award-winning actress kasabay ng pangakong habangbuhay niyang babaunin ang mga natutunan niya mula sa mga ito.
Aniya, siguradong marami pa siyang advice at tips na makukuha mula sa mga kasamahan niya sa bagong serye ng GMA, “Of course, for someone who’s been in the industry for a mere 10 years, there’s still so much to learn and dapat kasi, palagi kang bukas at palagi kang handa na matuto kapag pumupunta ka sa set.
“Whether it’s from seasoned actors or whether it’s from your ka-contemporaries. But we have the privilege to be with two of the best seasoned actors that I believed in,” sabi ni Jas.
“So you know, I’ll take advantage of that at talagang bawat advice or tips that they can give, ini-incorporate ko iyon if I can.
“Inaaral ko kung bakit at kung saan galing iyong advice nila so that makita ko rin iyong perspective na iyon at ma-apply ko rin siya even when hindi ko na sila kasama for my next project.
“Kasi makakatulong iyon sa iyo and it can only improve your next approach for the future characters na kailangan mong aralin din or i-portray,” lahad ng dalaga.
“For me, it’s such a wonderful ride, kasi they’re very generous pagdating sa mga ganoong bagay.
“Especially for my scenes with Louie (Alden), you know, the kilig feeling, the being in-love and all of that, I really listen to a lot of Ms. Jaclyn’s advice. It’s just so enriching para sa character ni Lia (role niya sa serye).
“And I can only use it to make it better or my portrayal better. Thank you Ms. Jaclyn, thank you po,” mensahe pa ni Jasmine sa nanay ni Andi Eigenmann.
Magsisimula na ang “The World Between Us” sa GMA Telebabad sa July 5, after “24 Oras” kapalit ng magtatapos nang “First Yaya.”