NAPAKARAMING gustong ibahaging kuwento ng Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa mga kaganapan sa kanilang pamilya bago pumanaw si former President Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ayon sa TV host-actress, napakarami niyang natutunan sa buhay nitong mga nagdaang taon sa naging relasyon nilang magkakapatid, lalo na sa mga huling buwan ni P-Noy sa mundo.
Kahapon, muling nag-post si Kris sa Instagram ng isang video clip kung saan mapapanood ang mga huling ganap ng pamilya Aquino sa Heritage Park sa Taguig, ilang oras bago ma-cremate ang labi ni Noynoy.
“I felt our family needed footage if only for our archives, so I asked my Ate if it was okay for my team to shoot all throughout because they would have access that the rest of the media would not,” sabi ni Kris sa caption ng ipinost niyang video.
Aniya pa, “Here are moments you did not see because no cameras were allowed inside Heritage before our brother’s cremation and during the private viewing.”
Pagpapatuloy pa niya, “BUT the TRUTH is – IG is the venue where our ‘feud’ started so in my heart I know it’s also not where I should share kung paano nagsimula ang unang mga hakbang para lumambot na ang puso n’ya, at lahat ng paraan na ginawa ko para mapangiti lang sya.”
Ipagdarasal na lang daw niya na bigyan siya ni P-Noy ng sign, “When he is ready for me to tell all of you our story. Until then this bunso has learned her lessons and will stay silent.”
Nitong nagdaang Sabado inihatid sa huling hantungan ang dating pangulo. Inilagak ang kanyang abo sa Manila Memorial Park sa Parañaque City kung saan din nakalibing ang kanyang mga magulang na sina Benigno Aquino, Jr. at Corazon Aquino.
Tumanggi ang mga kapatid ni Noynoy na bigyan siya ng state funeral ngunit walang nabanggit kung bakit.
Bago ilibing ang dating presidente, sinabi ni Kris na napatawad din daw siya ng nag-iisang kapatid na lalaki at namaalam ito nang maayos ang kanilang relasyon.