Nikko, Jerome, Dave ang bagong Goma, Tsong at John; bibida sa sitcom na ‘GVBOYS’

SINA Hashtag Nikko Natividad, Jerome Ponce at Dave Bornea ang napiling bumida sa bagong digital sitcom na “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes”.

Inspired ng classic Kapamilya comedy show na “Palibhasa Lalake” ang “GVBOYS” na pinagbidahan noon nina Richard Gomez, Joey Marquez at John Estrada at umere mula 1987 hanggang 1998.

In fairness, bagay na bagay kina Nikko, Jerome at Dave ang tema at konsepto ng bago nilang project na libreng mapapanood sa Puregold Channel (YouTube at Facebook) simula sa July 10, Sabado, 7 p.m..

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media ang tatlong aktor sa ginanap na virtual mediacon para sa “GVBOYS” at doon pa lang ay talagang bentang-benta na ang kanilang kulitan at batuhan ng punchlines na may pagka-naughty at SPG (strong parental guidance).

Bago ang presscon, sumalang muna ang tatlong aktor sa online show na “Sabado Bago Live” (SBL) na napapanood din nang libre sa sa Puregold Channel hosted  Gretchen Ho and Boy Abunda.

Natanong ang Kapamilya stars na sina Jerome at Nikko kung kumusta katrabaho ang Kapusong si Dave, may adjustments pa ba silang ginawa para mas maging swak ang samahan nila sa sitcom?

Unang sumagot si Dave, “Si Jerome po, nakasama ko na po sa isang endorsement kaya medyo hindi naman kami nagkakapaan.

“Saka may bonding na rin po kami dahil sa endorsement na iyon. Ito namang si Nikko po, since sobrang napakakwela lang, cool lang kasama, kaya hindi po ako nahirapan na makipag-ano sa kanila. Well, in fact, napakabait po nilang dalawa, e,” pahayag ng Kapuso hottie.

Hirit naman ni Nikko, “Hinihilot kami, ha?!”

Sey naman ni Tito Boy, “Sabi ni Dave kasi, saka ni Jerome, nagkatrabaho na sila kaya hindi na sila nagkapaan. Pero sila ni Nikko, nagkapaan.”

Bigla namang sumingit si Nikko, “Ay! Nagplantsahan po kami! Plantsahan po, Tito Boy!”
Hirit uli ni Dave, “Actually, Tito Boy, alam naman ni Nikko iyan, bago kami matulog, minamasahe namin ang isa’t isa para, of course, kampante kami!”

“Wholesome ang palabas!” ang paalala naman ni Tito Boy sa kanila kaya biglang bawi si Dave, “Joke lang po! Joke!”

Tanong naman ni Gretchen kina Nikko at Jerome kung mabait ba si Dave. Sey ni Nikko, “Ah, yes po! Kahit taga-kabilang istasyon siya, wala naman pong nangyaring bully-han. Bale nagkakaroon lang po ng compare-an ng suweldo, siyempre, kung magkano sa kabila. Ganoon lang po ang topic namin.”

Iikot ang kuwento ng “GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” sa makulay na buhay ng tatlong lalaking boarders sa isang boarding house tulad din ng kuwento noon ng “Palibhasa Lalake.”

Kuwento ni Jerome about his role, “Ako rito si Jawo, short for Jaworski. Ako iyong medyo kulang-kulang sa mga banatan, sa mga biglang pasok sa kuwentuhan. Ako iyong parang hopeless romantic. Sobrang mabilis ma-in love.

“While si Nikko naman, siya si Dax. Short for…Eugene. Doon mo malalaman, ‘Huge’…gene. Kaya Dax. Ang galing! Ang galing ng ano, e!

“Si Dax naman dito ang mabilis ma-love at first sight. Siya ang pinakakolokoy dito.

“While ito namang si Dave, siya naman si Zeus, na parang Amboy, na talagang may sikreto, which is sa latter part po namin malalaman,” lahad pa ni Jerome.

Ka-join din sa cast ng “GVBOYS” sina Carmi Martin (ang landlady na si Aling Pearly), Wilma Doesnt at Elsa Droga. Ito’y sa direksyon ni Don Cuaresma.

“GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes” will have 8 episode drops and two special episodes. 

“Puregold Channel is dedicated to our loyal customers. This is our way of rewarding and staying in touch with them outside the stores. This is Puregold’s thrust, to strengthen the future of retail through strong engagement and digital footprint,” ayon kay Puregold Price Club Inc. President Vincent Co.

Ang ibang digital content na mapapanood sa nasabing channel ay ang game show na “Playtime Panalo” with Luis Manzano, ang stand-up comedy show na “The Ha Ha Hour” hosted by Alex Calleja at ang “Mobile Legends: Bang Bang” gaming tournament na “Puregold Esports Live”.

Read more...