IN FAIRNESS, kung may isang celebrity plus size sa mundo ng showbiz na walang keber sa pagbibilad ng kanyang katawan yan ay walang iba kundi si Cai Cortez.
Talagang proud na proud ang character actress sa kanyang voluptuous body ay wala rin siyang pakialam sa mga nangnenega at nanglalait sa kanya.
Pero ani Cai, hindi naman daw grabe ang natatanggap niyang pang-ookray at pamba-body shame mula sa mga netizens na nagko-comment sa kanyang mga Instagram photos.
“I think it’s because the people know that I know who I am. Tanggap kong mataba ako at sexy rin ako,” pahayag ng aktres sa digital mediacon ng GMA para sa huling linggo ng Kapuso series na “First Yaya”.
Aniya pa, “Even if they tease me that I’m fat, it’s true. Why would I get annoyed? I think it was never an issue for me. They send you hate because they want to hurt you.”
Naniniwala rin si Cai na mas powerful pa rin ang “art of dedma” sa pakikipaglan sa mga haters dahil, “If the words used against you aren’t hurtful for you, then they failed.”
Ngunit, naninindigan din siya na hindi rin tama ang mam-bully o manglait ng tao nang dahil sa kanilang timbang.
“If they’re wrong, it’s just right to put them in their place. For me, if they don’t feed or pay me then I don’t care. If they’re not my family or friends, I don’t care,” ani Cai.
Samantala, para naman sa kaibigan at co-star ni Cai sa “First Yaya” na si Kakai Bautista na palaging nabibiktima ng body shaming, talagang matindi na ang “toxic culture” ng body shaming sa bansa.
Aniya, hindi dapat tino-tolerate ang body shaming at kailangang ipamukha sa mga bashers na hindi tama at hindi makatarungan ang manglait ng kapwa sa kahit ano pa mang pamamaraan.
“We’re just raising awareness on body shaming and cyber bullying. At kailangan maging assertive ka at panindigan mo ang lahat ng mga sinasabi mo because you’re making a stand for other women.
“Kapag sinasagot ko ang mga body shamers, I’m just making a stand against words that hurt women,” ani Kakai.
Kung matatandaan, pinatulan ng komedyana ang isang basher ng “First Yaya” lead actress na si Sanya Lopez at pinagsabihan ito na maling-mali ang manglait ng kapwa lalo’t wala namang ginagawang masama sa kanya ang kanyang sinisiraan.
Tutukan ang huling linggo ng “First Yaya” sa GMA Telebabad at alamin kung ano nga ba ang magiging ending ng love story nina Melody (Sanya) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at kung paano matatapos ang kasamaan ni Vice President Luis Prado (Gardo Versoza).