SINUPALPAL ng actress at vlogger na si Donnalyn Bartolome ang isang netizen na kumuwestiyon sa pagbili niya ng isang sports car na nagkakahalaga umano ng P8 million hanggang P16 million.
Inakusahan si Donnalyn ng basher na mas inuna pa raw nito ang paggastos sa mamahaling sports utility vehicle (SUV) kesa sa pag-aalaga sa kanyang lola.
Sa kanyang Instagram page, ibinandera ni Donnalyn ang kanyang bonggang latest purchase, isang Maserati Ghibli SUV. Ito raw ang ikatlo niyang luxury sports car at wala raw siyang inilabas na cash para rito.
Sey ng aktres at singer, advance birthday gift na rin daw niya ito para sa sarili. She’s turning 26 na this coming July 9.
Aniya sa caption ng litrato ng bago niyang sports car, “I bought a dream vroom vroom y’all! ackk so beautiful!
“About a year ago I wanted to buy a Maserati but it wasn’t the right time… it finally happened. An early bday gift to myself. Last na muna ‘to haha! Thank you Maserati Philippines for helping me find *The One.
“Sent them an email regarding vlogging my purchase months ago and on the day of my visit, I was greeted with a royal blue bouquet of roses — they’re so sweet! I felt so special, I had no choice but to buy! Hahahaha!
“I love it cause blue roses symbolize achieving the impossible (blue heart emoji),” aniya pa.
Samantala, sa isa na naman niyang vlog, sinabi ni Donnalyn na Lyka gems ang ginamit niyang pambayad sa bagong sasakyan ngunit wala siyang binanggit kung magkano ito.
Sa comment section ng kanyang IG photo, isang netizen ang nag-post ng comment at nagsabing bakit inuna pa niya ang pagbili ng milyun-milyong halaga ng kotse kesa tulungan ang kanyang lola.
Hindi naman ito pinalampas ng vlogger at nagpaliwanag hinggil dito, “For those confused, 2 years ago, a reckless youtuber featured a distant relative, a lola, who I took care of and had my contact number to ask for help when she was struggling but chose to let an outsider use my name for attention so that her son talks to her again after her shortcomings.
“Instead of taking the wrongdoers to court, I forgave both of them with all my heart though it cost me my reputation and also my mental health for 1 year.
“That’s not why I’m triggered though, it’s the fact that because of what she (the lola) and the youtuber did, her relationship with her son was permanently damaged.
“I couldn’t fix it until her last breath. This was painful to bear. Kaya di ka dapat nakekeelam sa problema ng pamilya if you are not a part of it. Wag mo palalain. No to fake news. Be a responsible viewer,” paglilinaw pa ni Donnalyn.
May warning din siya sa lahat ng mga maninira sa kanya at sa pamilya niya, “Anyone who writes anything libelous about me or any members of my family will regret it.
“Minsan ko lang unahin ang sarili ko. Gusto ko ipost kasi may ituturo ‘tong magandang asal sa followers ko. I reply to a lot of positive comments more than bad ones, don’t worry.
“I posted my new car that I waited to have for 8 years and also to promote my new vlog kasi nagtatrabaho akong tao.. then this guy starts spreading fake news. Wala pa akong pinabayaan na mahal ko sa buong buhay ko.
“Gusto ko sana kasuhan para alam natin that as viewers, we also have to be responsible. We have to know if it’s fake news or not, so pag fake news, don’t spread it. Be a responsible viewer. (if you know him pls wag niyo icomment name or pic niya),” pahayag pa ng aktres at social media influencer.