Beking direktor & friends ‘pinagsaluhan’ ang mga young actors sa farm

SUPER enjoy daw to the max ang isang beking direktor at mga kaibigan nitong bading nang mag-overnight sa isang farm.

Nakasama raw kasi ng grupo ang mga yummy na young actors at game na game na nakipagharutan at nakipaglandian kina direk.

Kasama sa casting ang mga lalaking ito sa project ng direktor na talagang feel na feel na super ganda n’ya nang gabing ‘yun.

Nakahain sa kanilang mga beki ang mga lalaking artista na gumiling-giling sa harapan nila — as in naghanda pa talaga ng dance number ang mga guys na ikinabaliw ng mga beki.

Abot-langit ang kanilang kasiyahan sa pagsasayaw ng mga hot na hot na aktor na malalambot naman daw ang katawan at mukhang sanay na sanay sa paggiling.

Bukod sa sayawan, ay nag-inuman din ang tropa ni direk sa tagong farm. Doon daw niya dinala ng mga beki ang para walang makakita sa kanila. 

At in fairness, lasing na lasing daw ang cast ni direk, maging silang mga beki ay bangenge rin.

Sabi nga ng aming source, “Naglaro kaya sila ng truth or dare na may mga sexy na dare! Alangan namang nag-inuman lang sila na walang ganap, di ba?”

Basta sure ang source na ganap nang kasali sa project ng direktor ang mga lalaking ito after nilang mag-overnight sa farm. ‘Yun daw ba ang kapalit? Tanong ng aming source. 

Dagdag pa ng aming kausap, after nga raw ng party-party sa farm ay pagod na pagod ang mga binata dahil nga sa mga pinaggagawa nila nu’ng gabing yun para lang mapaligaya si direk at mga kaibigan nito.

Napatunayan daw kung gaano kaharot ang direktor na ito mukhang type ang isa sa young actors na kasama sa farm. Nakuha n’ya kaya ang gusto n’ya? 

Well, ang sey ng ating source, basta ang sigurado siya — handa naman palang gawin ng mga binatang ito ang lahat para magka-project

Read more...