Tatay, Daddy, Itay, Papa, Amang…anuman ang tawag natin sa kanila, hindi maikakaila ang kanilang sakripisyo para sa pamilya. Kaya tuwing ikatlong linggo ng Hunyo, ipinagdiriwang natin ang Araw ng mga Ama, kung saan ipinadarama natin sa mga haligi ng ating tahanan ang taos-pusong pasasalamat sa kanilang walang-sawang pagtataguyod sa pamilyang Pilipino.
Gaano ka ka-proud sa tatag ng tatay mo? ‘Yan ang tanong na sinagot ng netizens nitong nakaraang Father’s Day sa #WalaKayoSaPapaKo na handog ng Bandera at Globe—kasama ang KonsultaMD at HealthNow. Binigyan ng pagkakataon ang mga anak na ipagbunyi ang kanilang superhero na ama, sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kwento kung gaano sila ka-proud kay Papa.
Sa dinami-dami ng sumali, ang sampung comments na nakakuha ng pinakamaraming likes tungkol sa proud moments nila kasama ang kanilang ama, ang mga napili. Ito ay sina: Airiene Agellon Garcia, Maria Behope Almase Cando, Jerami Barillano, JM Hindap Bautista, Mabelle Mendoza Lopez, Charlotte Magdaong Monroid, Mylen Diamante Reyes, Jassymine Aquino, Step Hen Baral, at Jenilyn Unidad.
Sila ang nanalo ng gift certificate pang-grocery, free consultation mula sa KonsultaMD at HealthNow, MyFi device at prepaid load mula sa Bandera at Globe.
Isang tricycle driver ang ama ni Airiene Garcia. Aniya, kahit napakahirap ng kanilang buhay, walang-sawa raw ang pagtatrabaho ng kanyang ama, umaga’t gabi, upang maitaguyod ang kanilang pangangailangan. Kahit na-stroke na si Tatay Ronex, patuloy pa rin itong pumapasada. “I always pray to give him long life, to live life to the fullest…so that we can share more hugs, bonding time, and create more memories. I am forever blessed to be his daughter,” sabi ni Airiene, na bahagi ng kanyang mensahe para sa butihing ama.
Bilib na bilib naman si Maria Behope Cando sa dedikasyon ng kanyang ama na isang public school teacher. Kwento niya, kahit pa sa kasalukuyang pandemya, ginagampanan pa rin ng ama ang obligasyon bilang guro: “Kahit anong paraan ay gagawin, makapagpadala lang ng module sa mga estudyante niyang nasa bundok. Sobrang proud na proud ako sa tatay ko, lahat gagawin niya para sa amin. Nagpapasalamat ako sa Diyos na may tatay akong tulad niya.”
Hindi naman maikakaila na proud din si Jeramie Barillano sa kanyang ama na kahit senior citizen na, ay patuloy pa rin ang pagtitinda upang may pambili ng bigas sa araw-araw, at pang-load para sa online class nilang magkapatid.
Si JM Bautista ay hanga din sa kanyang Papa Bob, na kung ilarawan niya ay simple, mabait, maunawain at higit sa lahat, mapagmahal sa anak at mga apo. Sa pagiging ice scramble vendor, naigapang nya ang pag-aaral ng kanyang anim na anak at ni minsan ay hindi raw ito naringgan ng reklamo.
Ganoon din ang paglalahad ni Charlotte Magdaong Monroid tungkol sa kanyang amang nagpapatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang maitaguyod ang pamilya at ang kanyang kambal na anak. Kwento ni Charlotte, hindi madali ang magpalaki ng kambal dahil ibig sabihin noon, doble rin ang gastos at paghihirap. Kaya superhero daw talaga ang turing nila sa kanilang ama dahil kahit medyo malabo na ang paningin at nakakaranas ng ilang sakit, patuloy pa rin ito sa pagiging driver niya na kung minsan ay 24/7 pa para maibigay ang pangangailangan ng pamilya.
Ayon naman kay Steph Hen Baral, kayod-kalabaw daw ang tatay nya bilang tricycle driver, magsasaka, at fishpond caretaker. Tulad ni Steph, si Jenilyn Unidad ay ipinagmamalaki rin ang kanyang tatay na nagsimulang magtrabaho bilang janitor at messenger, at dahil sa sipag at tiyaga, naging maayos na ang pwesto ngayon bilang government employee na itinuturing niyang role model.
Iba-iba man ang kanilang kwento at karanasan, iisa lang ang nais nilang ilahad: na ang mga ama ay handang gawin ang lahat upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya. Kaya nararapat lamang na sila’y ipagbunyi, ipagmalaki, at pasalamatan sa araw-araw.
Sa KonsultaMD at HealthNow, pati na ang kampanyang #StartANewDay, pinapahalagahan ng Globe ang kalusugan ng bawat Pilipino at ang papel ng bawat miyembro ng pamilya upang mapanatiling malusog hindi lamang ang katawan, kundi pati na ang isipan. Lalo’t-higit na may pinagdadaanan tayong pandemya kung saan doble-kayod ang ating mga ama, kaya naman importanteng pagtuunan ng pansin ang pangkalusugang pisikal, emosyonal at mental ni tatay.
Para sa ating mga followers at readers, ang KonsultaMD at HealthNow ay laging handang makinig at tumulong para mapangalagaan ang kalusugan ni tatay at pati na din ng buong pamilya.
Para sa KonsultaMD, maaring i-download ang KonsultaMD app o tumawag lamang sa 79880 para sa mga Globe o TM users, o kaya naman ay sa 02-7798-8000 Globe landline upang makausap ang mga propesyonal na doctor na maibibigay ang suportang kailangan ni tatay.
Para sa HealthNow, i-download lamang ang HealthNow app. Libre ang pagtawag para sa mga Globe at TM subscribers.
Mula sa Bandera at Globe, congratulations sa lahat ng nanalo at Happy Father’s Day muli sa lahat ng mga ama! Maaaring makipag-ugnayan lamang kayo sa marketing representatives ng Bandera para i-claim ang inyong premyo.