Sharon tinawag na plastik nang makiramay sa pagpanaw ni Noynoy: Dami talagang masama ugali sa Pinas

BARAG kay Megastar Sharon Cuneta ang isang netizen na walang takot siyang sinabihan ng “plastik” matapos makiramay sa pagkamatay ng dating Pangulong Noynoy Aquino.

Hindi nagustuhan ng OPM at movie icon ang akusasyon sa kanya ng nasabing basher na nakikisawsaw lang daw siya sa biglaang pamamaalam ng P-Noy.

Sa kanyang social media account, nag-post si Shawie ng mensahe ng pakikiramay sa pamilya Aquino, aniya, “Rest well in God’s loving arms, PNoy…Gone too soon.”

Tinag pa niya ang kaibigan at bunsong kapatid ni Noynoy na si Kris Aquino.

Pinusuan ito ng mga socmed followers ni Mega kasabay din ng kanilang pakikiramay sa mga naulila ng dating pangulo ngunit may isa ngang netizen ang nambasag sa aktres at TV host.

“Isa ka pa …nag post ka ng pakikiramay kanina then nag POST ka ng iba (sorry, ciempre love for dogs are never easy) i TRUSTED YOU!!!

“Plastic ka pala… nung naramdaman mo ung overwhelming love kay noynoy bigla ka ng POST ng Ganito???” ang pang-ookray ng netizen.

Hindi ito pinalampas ni Sharon at talagang binuweltahan ang hater, “HINDI KO PA ALAM NA NAMATAY SI PNOY. NUNG NAGPOST AKO ABOUT THE DOG RESCUE, OKAY?

“Nasa Amerika ako mag-isip ka muna di judgmental agad. Daming masama talaga ugali sa Pilipinas kaya hirap umusad eh,” aniya pa.

Sinagot uli siya ng netizen at nagpaliwanag sa nais niyang ipaabot na mensahe sa aktres. Nag-sorry naman siya kay Mega sa  pagtawag niya rito ng plastik pero pinanindigan niya ang paniniwalang nakikisakay lamang siya sa pagkamatay ni Noynoy.

“Natural, nakisabay ka. Masakit man sabihin… ano yun? Dahil may ganung reaction mga tao, react ka din? Ok – sorry, na misjudge cguro kita,” sabi ng netizen na nagsabing mas bilib daw siya sa anak ni Shawie na si Frankie kesa sa kanya.

Ito naman ang sagot sa kanya ni Sharon, “Excuse me – first of all di ko agad nalaman na namayapa na si Pnoy. Nasa Amerika ako okay?

“Pinsan ko pa nauna nagsabi sa akin ni di si Kiko! Si Kakie kaninang umaga lang ako minessage.”

“Bakit negative agad reaction nyo! Ang pakikiramay kailangan nobela? Eh buong puso at kaluluwa na serbisyo ng asawa ko at supprta ko at pamilya namin sa kanya ano naman alam mo? Relax lang.

“Isang swimming pool na natanggap kong pambabash mula sa mga di kampi kay Pnoy eh ngayon pa ko matatakot?

“Isip muna. Kaya di umusad ang bansa dami tulad mo nagmamagaling,” diin ng Megastar.

Ipinagtanggol din ng kanyang mga fans si Sharon mula sa netizen at karamihan sa kanila ay nagsabing hindi kaplastikan ang pakikiramay sa isang namatayan at tigilan na raw ang pangnenega kay Mega gamit ang politika.

Read more...