Katuwang ang kanyang asawang si Jason Hernandez at si Kris Aquino, nai-rewrite ng Kapamilya artist ang nasabing kanta para ialay sa biglang pagpanaw ni P-Noy.
Isa si Moira sa mga nag-perform sa harap ng pamilya Aquino at ilang malalapit na kaibigan ng dating Presidente sa burol nito matapos ang isinagawang requiem Mass sa Church of the Gesu sa Ateneo de Manila University.
Kuwento ni Kris, talagang hindi nagdalawang-isip si Moira na baguhin ang ilang lyrics ng nasabing viral song na tumatalakay sa pagkabigo sa pag-ibig at pagpapaubaya, para sumakto sa pamamaalam ni P-Noy.
“It was her biggest hit but she rewrote the lyrics. Gusto ko magpasalamat kay Moira because she rewrote the lyrics so it could be dedicated to Noy,” pahayag ni Kris.
Aniya pa, natupad din ang isa sa mga pangarap niya na makipag-collab sa Kapamilya singer dahil tumulong din siya sa paglalagay ng bagong lyrics.
“This is the only time you will hear this version. I actually got my dream because I got to co-write with you [
(Moira),” ani Kris.
Puring-puri rin ng TV host-actress ang talento ni Moira sa pagko-compose dahil natapos nito ang kanta para kay P-Noy sa loob lamang ng 10 minutes.
“I would like to thank both of them (Moira at Jason) for the effort to be here to be able to sing for Noy, and to be able to sing for both of us,” Kris said.
“Napakaganda ng pagkagawa ni Moira when she rewrote the lyrics because eto, na-shock tayong lahat with what happened. He, we all feel, is gone too soon,” Kris said.
“Lahat yata ng Filipino kasi na nagmahal sa kanya, konting-konti sa inyo ang may alam sa pinagdaanan niya, so ito yung ating way para ma-comfort ang mga sarili natin.
“Because ngayon hindi na nga siya makakaranas pa ng sakit, hindi na siya mahihirapan pa, and nandu’n na nga siya sa mas maligayang lugar,” sey pa ni Tetay.
Pumanaw ang dating Pangulo kahapon ng madaling araw dahil sa renal disease secondary to diabetes, limang taon makalipas ang panunungkulan niya sa sambayanang Filipino.