Magbibigay ng isang isang milyong doses ng bakuna kontra COVID-19 ang bansang Japan sa Pilipinas.
Ayon sa ulat, gawa ng British-Swedish multinational pharmaceutical na AstraZeneca ang ibibigay na bakuna.
Bukod sa Pilipinas, bibigyan din ng Japan ng tig-isang milyong doses ang Thailand, Malaysia at Indonesia.
Tig-daawang milyong doses naman ng AstraZeneca ang matatanggap ng Taiwan at Vietnam mula sa Tokyo.
Nabatid na ang pagbibigay ng Japan ay bahagi ng scheme ng COVAX na hinihikayat ang mga mayayamang bansa na tumulong sa iba para mapunan ang 200 million dose shortfall.
Una rito, nagbigay ang Japan ng $1 bilyong at 30 milyong doses sa COVAX facility.
Nais ng Japan na ipamahagi ang kanilang ayuda sa mga kapitbahay na bansa sa Asya.
READ NEXT
LOOK: Dating Gabinete ni Noynoy nagpakuha ng huling larawan kasama ang labi ng namayapang pangulo
MOST READ
LATEST STORIES