Balitang naaksidente si Sharon sa US fake news: Hindi po totoo, so please relax

KUMALAT sa social media ang balitang naaksidente umano ang Megastar na si Sharon Cuneta sa Amerika.

Dahil dito naalarma at nag-alala ang pamilya at mga kaibigan ng award-winning actress-singer na nasa iba’t ibang panig ng mundo.

Kaya naman agad naglabas ng official statement si Mega at sinabing walang katotohanan ang balitang naaksidente siya habang nagbabakasyon sa US.

Sa pamamagitan ng Instagram,  nag-post ng isang video si Sharon at sinabing nag-panic ang kanyang team nang marinig nila ang fake news na naaksidente sila. 

Siniguro ni Sharon na maayos ang kalagayan niya sa Amerika, “Sorry po hindi na ako nakapag-ayos dahil medyo urgent. Kasi po may tumawag sa amin dito. 

“‘Yung team ko po ay nagpa-panic dahil may balita raw po diyan na kami ay naaksidente. I just want you to know in case narinig niyo po at kayo po ay nag-alala, hindi po totoo ‘yon. So please relax,” pahayag ni Shawie sa video.

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ko po alam kung bakit may mga taong wala po talagang magawang mabuti. 

“So don’t worry. I am okay. I am so tired because I did so much today. But I am in my hotel room safe and sound.

“Please continue praying for our safety and please don’t worry. There’s no truth to the tsismis. Okay? We are okay. I love you guys and I miss you. God bless you,” saad pa ng Megastar.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabiktima ng fake news si Sharon. Kung matatandaan, nito lang nakaraang buwan, kumalat ang tsismis na sinasaktan daw siya ng asawang si Sen. Kiko Pangilinan kaya bigla siyang umalis ng bansa at nagtungo sa Amerika.

“Asawa ko po, ni minsan ang daliri niyan di dumapo sa akin. Kabilin-bilinan po ng tatay ko ‘yun. The minute na nasaktan ka kahit sampal, iwanan mo na,” sey ni Mega sa isang Instagram post.

Paglilinaw pa niya, lumipad siya patungong Amerika matapos ma-depress nang hindi matuloy ang gagawin sana niyang pelikula sa Hollywood kasama si Jo Koy na ipo-produce ng legendary na si Steven Spielberg. 

Hindi ito natuloy matapos siyang sabihan ng kanyang assistant na hindi siya maaaring lumabas ng bansa dahil nagpositibo raw siya sa COVID-19.

Mas lumala pa ang depresyon ni Mega nang malamang “false positive” ang resulta ng kanyang swab test. 

Read more...