PANGARAP maging beauty queen ni Ella Cruz bilang si Angel sa pelikulang “Gluta” at dahil malaki ang tiwala niya sa sarili ay feeling beautiful talaga siya bilang isang Ita.
Abut-abot naman ang pagpigil sa kanya ng tiyuhing si Juliana Parizcova Segovia dahil tiyak na matatalo siya kapag sumali sa pageant at puro lait lang ang aabutin niya dahil nga sa lahi nilang Ita.
Pero hindi nagpapigil si Angel (Ella) kaya sumali siya sa beauty contest sa kanilang campus at naniniwalang mananalo siya at matutupad na ang pangarap niyang tanghaling beauty queen.
Totoo nga ang payo kay Ella, maraming mambu-bully sa kanya at hindi na iba sa pakiramdam niya dahil naranasan niya ito ng personal bilang maliit siya, 4’11 ang ang taas at iba pa.
Kaya natanong ang aktres sa kung ano ang mensahe niya sa mga nambu-bully sa ginanap na face-to-face mediacon ng “Gluta” kahapon na ginanap sa Boteyju Estancia, Ortigas, Pasig City.
Napa-whew muna si Ella bago sinagot ang tanong, “Ang message ko sa mga nambu-bully po, sana maisip ninyo, maramdaman ninyo na what you are doing is not good mentally, physically, emotionally sa taong bina-bash ninyo.
“And for sure sa sarili n’yo rin kasi kung gusto ninyong itrato kayo ng maganda tratuhin n’yo rin ‘yung mga taong nasa paligid ninyo (maganda). Sana just spread love and kung mayroon mang hindi maganda sa isang tao, keep it to yourself.
“If you just spread negativity sa mundo, sana ‘wag kasi marami ng negativity sa mundo at sana mahanap mo rin sa sarili mo ‘yung inner peace mo, pagmamahal mo sa sarili mo kasi magre-reflect sa ‘yo ‘yung pagpapalaki ng magulang mo sa ‘yo. Kaya magulang mo ‘yung pinapahiya mo sa ginagawa mo,” ani Ella.
Makahulugan ang pahayag na ito ni Ella kaya siya ay super nice sa lahat at kung may mga bagay na nakikita siyang hindi okay ay sinasarili na lang niya o kaya ay personal niyang kinakausap ang taong ito.
Samantala, ang ganda ng trailer ng “Gluta” dahi kahit maitim ang karakter ni Ella ay bakas ang kanyang kagandahan.
Kasama rin sa movie sina Marco Gallo bilang si Bambino, Juliana sa karakter na Uncle Goliath na sekretong gumagamit ng glutathione at kabahagi ng LGBT, Rose Van Ginkel ang gumaganap bilang si Lovely, at mahalaga rin ang papel ni Cristina Gonzales bilang guro ni Angel na nagsabing hindi siya maaaring maging anghel sa isang palabas dahil sa kulay ng kanyang balat.
Mapapanood na ang “Gluta” ngayong Hulyo sa Vivamax mula sa direksyon ni Darryl Yap produced ng Viva Films.
Mapapanood rin ang “Gluta” sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.