Maris sa 25 years age gap nila ni Rico: It’s really a normal relationship

WALANG isyu ang agwat ng edad sa celebrity couple na sina Maris Racal at Rico Blanco.

May mga netizens mang nangnenega sa relasyon ng magkasintahan dahil sa 25 years age gap sa pagitan nila, meron ding nagtatanggol sa kanila at nagsasabing “age is just a number.”

Para kay Maris na 23 na ngayon, normal lang din ang takbo ng relasyon nila ng 48-year-old OPM artist at songwriter na si Rico.

“It’s really a normal relationship. In their world, people may have opinions about age gap and relationships, but regarding the issue of age, we’re okay, ‘di kasi kami naba-bother,” ang diretsahang pahayag ni Maris sa panayam ng ABS-CBN patungkol sa kanilang May-December love affair.

Sey pa ng Kapamilya young actress at singer, hindi rin ito big deal sa kanilang pamilya, “I told my mom about it, she was first on my list. Surprisingly naintindihan niya!”

“Inakala ko maraming magagalit pero kabaligtaran ang nangyari!” dagdag pa niyang chika.

“Walang mawawala sa ‘yo ‘pag magpakatotoo ka. Kung wala kang pretensions, a lot of people will gravitate towards you. Dala-dala ko ‘yan up to now na maging truthful lang,” sey pa ng dalaga sa nasabing panayam.

Samantala, nasabi rin ng singer-actress na napakalaki ng impluwensiya sa kanya ni Rico pagdating sa pagmamahal niya sa pagkanta at pagko-compose.

“Nahanap ko siya at the right time na marami na akong nagawang songs,“ pahayag ni Maris na mina-manage na rin ng Balcony Entertainment label na pag-aari ni Rico.

“He really helps me, in songwriting, music video, guiding me about the right time to release my songs, but at the same time he does not overstep.

“In the studio, for instance, he just lets me write and finish the song. We respect our boundaries. We have that line that we follow,” sabi pa ng dating Pinoy Big Brother housemate.

Read more...