Hugot ni Rica sa asawa: Grabe pala talaga ang puso ng isang ama

MARAMING mga magulang ang naka-relate at na-inspire sa mga ibinahaging life lessons ni Rica Peralejo at ng asawa niyang si Joseph Bonifacio.

Sa bagong vlog ng aktres sa YouTube, napag-usapan nila ang tungkol sa mga naging maling desisyon sa buhay at kung paano ito nakakaapekto sa kinabukasan ng isang tao at sa kanilang pamilya.

Dito rin nabanggit ni Rica kung anong klaseng ama ang kanyang husband sa kanilang mga anak. 

Inamin ng hindi na gaanong aktibong aktres na may mga bad choices and decisions din siya pero ang mahalaga raw ay kung paano niya naitama ang mga ito para sa isang maganda at tahimik na buhay.

Sa unang bahagi ng vlog, nagkuwento nga ang mister ni Rica na si Joseph tungkol sa pagiging tatay. Aniya, napakasaya raw ng feeling ng maging ama lalo pa’t may misis siya na katulad ni Rica na palaging nakasuporta sa kanya.

“It’s fun. It’s amazing. I love it. I love being a dad. That’s why I keep saying to you ‘di ba besides being my wife, I’m grateful to you for being the mother of my kids,” pahayag ni Joseph 

Para naman kay Rica, napakarami rin niyang natututunan kapag nagkakausap sila nang masinsinan ng asawa, tulad na lang ng ginawa nilang vlog.

“So many things to process after this talk with the father of my children. One is that grabe pala ang puso ng isang ama. 

“In the same way that they will never know the motions of the body of a mother, it is the way I will never fully understand the motions of the heart of a father,” sey ng aktres.

Aniya pa, “It’s really an ordained and spiritual role that God calls them upon and it has the tremendous capacity of launching either changers or destroyers in the world.” 

“Second is that when I spoke to my children about their father, I realized that while kids may not articulate exactly what they love about their father, they know for sure if they are loved by their father. I am glad my kids do. They know it. Feel it. And are growing up with it,” paliwanag ng celebrity mom.

“Thank you for this, Sweetheart. Like I always say, I have made many, many bad choices in my life, but I thank God I got this one right,” mensahe pa niya sa asawa.

Read more...