SINAGOT na ng tinaguriang Kapuso Breakout Star na si Kyline Alcantara ang mga paandar at pa-mysterious na Instagram post ni Mavy Legaspi.
Naniniwala kasi ang kanilang mga fans na siya ang pinatutungkulan ng Kapuso actor at TV host sa mga ipino-post nitong sweet messages sa social media.
Trending at nag-viral ang litrato ng isang babaeng hindi kita ang buong mukha na ipinost ni Mavy sa IG kamakailan. Makikita sa photo ang nakangiting girl na may dimples at base sa comments ng netizens, si Kyline raw ang nasabing mystery girl.
Kaya nang matanong siya sa panayam ng GMA tungkol dito ang pabiro niyang sagot, “Hindi, may iba, e. May Jose Manalo, e, may mga Alden Richards!”
Nang sumeryoso na si Kyline sinabi nitong, “I don’t know. Hindi ko alam diyan kay Mav.”Nitong Lunes, muling nag-post si Mavy sa IG at binati ang kaibigang si Darren Espanto sa bagong music video nitong “Tama Na” kung saan may special appearance si Kyline.
Ang caption ni Mavy sa kanyang IG post, “Congrats on the MV @darrenespanto. FOR REAL, SUPER PROUD OF YA. you know the rest man.”
Sinundan pa niya ito ng makahulugang mensahe na, “Oh TAMA NA, akin na muna siya,” with matching monkey-covering-eyes at sunflower emoji.
Reaksyon naman dito ni Kyline, “Sinasabi sa akin ‘yun ni Mav kasi (close) sila ni Darren. May fake couple squad kasi kami, ‘yung other half, hindi na-fake ‘yun.
“Kayo na bahala kung sino ‘yung other half. Sila ‘yun, (sina Mavy at Darren) ‘yun,” natatawang biro pa ni Kyline.Samantala, hanggang ngayon ay ayaw pa ring kumpirmahin Mavy kung si Kyline nga ang special someone at inspirasyon niya ngayon.
Aniya, “One thing’s for sure, masasabi ko na that person, capital HER, siya talaga ‘yung inspiration ko and I appreciate that person so much. I appreciate her personality, her beauty, everything else.”
Pero isang good news lang ang confirmed ngayon, tuloy na ang pagtatambal nina Kyline at Mavy sa upcoming Kapuso primetime series na “I Left My Heart in Sorsogon” na pagbibidahan nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis.