Kris nai-imagine na ang eksena nila ng ama sa kasal nila ni Perry Choi: Babaha ng luha!

HABANG papalapit na nang papalapit ang araw ng kanyang kasal, tila mas tumitindi pa ang pagiging emosyonal ng aktres na si Kris Bernal.

Sa darating na Setyembre na ang  wedding ni Kris at ng kanyang fiancé na chef-businessman na si Perry Choi.

Wala pang inilalabas na iba pang detalye ang future husband and wife tungkol sa kanilang kasal. Pero sinisiguro raw ni Kris na magiging emosyonal ang pinakahihintay niyang araw, lalo na kapag hinatid na siya ng kanyang ama sa altar.

Nitong nagdaang Father’s Day, isang madamdaming mensahe ang ipinost niya sa Instagram para sa tatay niyang si Edgardo Bernal.

Ngayon pa lang daw ay nai-imagine na ng aktres ang magiging eksena nila ng ama sa kanyang wedding day.

Ibinahagi ng dalaga sa IG ang litrato nila ni Daddy Edgar at nilagyan ng caption na, “No matter how old I get, I’ll never stop needing my dad. And, no matter what happens in my life, I have and will always love my dad. To my dad, you were and you will be my best man ever. Happy Father’s Day!”

Dugtong pang message ni Kris, “Now that my biggest day is coming quicker, I can’t wait to share that special moment as father and daughter when you walk me down the aisle! I will take small steps to take our time and soak in the moment! Omg! Babaha ng luha.”

Sa isang panayam, sinabi ni Kris na noong June 5 pa sana sila ikinasal ni Perry pero dahil nga biglang bumalik sa enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng bansa dahil sa biglang pagdami uli ng tinatamaan ng COVID-19, ni-reschedule nila ito sa September.

“I remember crying so hard that day as I was having a hard time sending my cancellation message. I think it was one of the toughest decisions that I ever made but we need to prioritize the health and safety of the most important people in our lives.

“Nonetheless, the important thing is, the wedding is not entirely cancelled but moved to a later date and prioritizing the safety of everyone above anything else,” pahayag ni Kris.

Read more...