SINA Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang latest couple na nagpabakuna kaninang umaga, na bahagi pa rin ng programa ng Mowelfund at Metropolitan Manila Development Authority na ginanap sa auditorium ng MMDA.
Alas-nuwebe pa lang ay nakapila na ang KathNiel para kunan ng blood pressure at nakinig sa orientation ng mga doktor mula sa Department of Health.
Nakunan ng media ang magkasintahan kung saan in-encourage nila ang publiko na magpabakuna na para sa kaligtasan ng lahat.
Ipinost naman ni Atty. Joji Alonso ang video ng KathNiel kung saan nanawagan sila sa kanilang mga kababayan.
“Call to action for every Filipino – Magpa bakuna na tayong lahat. Para sa ating sarili. Para sa ating pamilya. Para sa ating bayan!!! @supremo_dp @bernardokath @mmffofficial,” aniya sa caption.
Ka-join din ang TV host at komedyana na si Eugene Domingo sa mga nabakunahan kaninang umaga.
Panawagan naman ng DOH sa kanilang Facebook page na naka-post din sa MMDA social media page, “GET VACCINATED TO PROTECT YOURSELF, YOUR LOVED ONES, YOUR COMMUNITY, YOUR COUNTRY, AND THE WORLD!
“With more people vaccinated in an area, the closer we get to protecting the population.Vaccines are safe. Vaccines work. Be part of the BIDA BAKUNATION! #RESBAKUNA #BIDASolusyon Plus sa COVID-19 #BIDAangMayDisiplina,” sabi pa sa mensahe.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa MMDA na rin ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa kanilang first dose COVID-19 vaccine.
Maganda ang project na ito ng Mowelfund, MMDA at MMFF para sa mga artista, film workers at media para hindi na sila sumabay sa mga kababayan natin na matagal na ring naghihintay ng kanilang schedules sa kani-kanilang mga barangay na Enero pa nagparehistro ay wala pa ring tawag hanggang ngayon.