Basher ni Sanya sunog kay Kakai: Kung ayaw n’yo sa kanya, idulog n’yo yan sa barangay

BASAG na basag kay Kakai Bautista ang isang laiterang basher na nang-okray sa kaibigan niyang si Sanya Lopez.

Talagang nakatikim ang nasabing netizen sa Kapuso comedienne matapos magkomento ng kanegahan sa isa niyang post sa Instagram kamakailan.

Nag-share kasi si Kakai sa kanyang IG followers ng isang TikTok dance challenge video kung saan kasama niyang humataw ang “First Yaya” lead star.

Hilig na talaga ng dalawang Kapuso actress na gumawa ng TikTok videos lalo na kapag break na nila sa taping ng “First Yaya”, kung minsan nga ay kasama pa nila ang ibang co-stars nila sa nasabing Kapuso primetime series.

Sa latest dance video nga na ipinost ni Kakai sa IG mapapanood ang bigay-todong pagsasayaw ng komedyana at ni Sanya na talagang naghatid ng aliw at good vibes sa mga netizens.

Biro pa nga ni Kakai, pagkatapos daw nilang gawin ang nasabing dance video ay nanakit ang kanyang katawan.

“Ang saket saket na nga ng likod ko! Niyaya mo pa akong mag-TikTok!” sey ng komedyana sa caption.

Halos lahat ng nag-message kay Kakai ay puro magaganda at positibo ang sinabi ngunit may ilan ding nam-bash sa kanila. Tulad na lang ng netizen na nag-comment ng, “Sanya Lopez OA MO.”

Hindi ito pinalampas ni Kakai at agad na dumepensa para kay Sanya. Panunupalpal niya sa hater, “Mami di po pwede nega dito. Kung ayaw nyo kay sanya, idulog nyo po yan sa baranggay (laughing emoji).

Hirit pa niya, “Tsaka NAKAKAPANGIT PO at NAKAKAPAGPABILIS PO NG BUHAY ang nega sa social media at Nega sa totoong buhay mami.

“Gusto nyo na po bang mauna? Ingat po mami!” pahabol na pambabasag pa ni Kakai sa negang basher.

Naging close sina Sanya at Kakai nang magsimula na silang mag-lock in taping para sa Kapuso primetime series na “First Yaya”. Mismong si Sanya rin ang nagsabi na parang pamilya na rin ang turingan ng buong cast ng serye.

Madalas na gumawa ng dance video sina Kakai at Sanya sa beach house ng pag-aari ng leading man ng huli sa “First Yaya” na si Gabby Concepcion.

Read more...