WALLY parang pato sa sobrang bilis ng ‘pag-ayuda’ | Bandera

WALLY parang pato sa sobrang bilis ng ‘pag-ayuda’

Cristy Fermin - September 05, 2013 - 03:00 AM


Wala talagang pinatatawad ang kapabayaan at kairesponsablehan. Nasa huli talaga ang pagsisisi pati ang pagkabagok sa katotohanan na ang pakikipagniig ay sagrado at hindi isang bagay na ipinagbubuyangyangan sa buong bayan.

Pagkatapos nga ng sex video nina Chito Miranda at Neri Naig ay heto na naman ang isa pa, ang video naman ng magaling na komedyanteng si Wally Bayola, kasama ang isang miyembro ng EB Babes na si Yosh.

Milyon-milyong pares ng mga mata na ang nakatunghay ngayon sa pinakahuling video, ang iba’y ginagawa pa ring komedya ang palabas, dahil parang pato raw si Wally sa ginawa niyang pag-ayuda sa hubo’t hubad na babae sa sobrang bilis.

Sa panonood sa sex video ay mapapansin na mabilisan lang ang kanilang ginawa. Hindi kagandahan ang paligid, nakasuot pa ng t-shirt si Wally, wala kang mararamdamang emosyon sa kanilang pagduduop dahil puro kambiyo lang ang ginagawa ni Wally at wala man lang paghahalikan na sinasabing manipestasyon ng pagmamahalan.

Nakakalungkot lang isipin na may limang anak si Wally na puro babae pa naman, ano na lang ang mararamdaman ng mga ito pati na ng kanyang misis na tahimik lang, kapag nakarating sa kanilang paningin ang videong kinapapalooban ng kanilang padre de pamilya?

Ang iba naman nating mga kababayan ay nakagawa na agad ng kung ano-anong bersiyon ng reaksiyon ng mga kasamahan ni Wally, tulad ng larawan ni Ryzza Mae kung saan nagtatakip ng mga mata ang child star at nagtatanong, “Tito Wally, ano po ang ginagawa n’yo?”

Sayang, nu’n sanang lumutang na ang sex video nina Chito at Neri ay inalihan na ng nerbiyos ang komedyante, binura na lang sana niya ang kung anumang video niya sa laptop niyang nawala, sana’y hindi siya pinagpipistahan ngayon.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending