Megan, Mikael posibleng mawala ang pagmamahal sa isa’t isa; Sheryl gaganap na aswang sa #MPK

NANINIWALA ang celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez na kahit napaka-strong ng kanilang relasyon ngayon ay posible pa ring dumating ang araw na hindi na nila mahal ang isa’t isa.

Diretsahang sinagot ng mag-asawa ang ilang issue sa usaping love kabilang na nga riyan kung bakit may mga magdyowa na napo-fall  out of love.

Sa kanilang podcast na “Behind Relationship Goals” ipinaliwanag nina Megan at Mikael ang ilang dahilan kung bakit nababawasan o tuluyang nawawala ang pagmamahal sa isa’t isa ng ilang mag-asawa.

Ani Megan “I think it’s in the realm of possibility. You always tell me there’s always a chance for something to happen. 

“It would be unfair for us to say na hindi talaga mangyayari ito kasi hindi natin alam what will happen in our lives or where life will take us,” aniya pa.

Pag-amin pa ng actress-beauty queen, “Ako, I think there’s a possibility that it will happen, but, it’s also up to us if that possibility really is going to happen.”

Sabi naman ni Mikael, maraming posibilidad ang maaaring mangyari sa isang relasyon dahil hindi lahat ng bagay sa mundo ay kontrolado ng mga tao.

“I completely agree with Boneezy (tawag niya kay Megan). I think it’s possible for us and for any couple to fall out of love with one another. But I think what’s more interesting to explore here is the why and the how.

“Falling out of love is a concept that nobody is immune from,” katwiran pa ng Kapuso actor.

* * *

Tunghayan ang kwento ng isang aswang na nagpapanggap na albularyo sa episode ng “Magpakailanman” na pinamagatang “Kaibigan sa Umaga, Aswang sa Gabi” ngayong Sabado.

Dahil nangangamba sa kaligtasan ng kanyang pamilya matapos ang pag-atake ng isang aswang, humingi ng tulong si Arlyn (Tina Paner) sa albularyong si Glorie (Sheryl Cruz). Hindi nagtagal ay naging malapit sila sa isa’t isa.

Hanggang isang araw ay nabalitaan ni Arlyn ang kagustuhan ng mga tao sa kanilang barangay na palayasin si Glorie. Pinatay raw kasi ni Glorie ang ipinagbubuntis ng kinakasama ng ex-boyfriend niya. 

Matapos magpaliwanag ni Glorie na hindi siya kagaya ng ibang aswang ay pinatawad din ni Arlyn ang kaibigan.

Sa pag-uwi ng asawa ni Arlyn ay pinagbawalan na nitong magkita pa ang dalawa. Kasabay nito ay nalaman din ni Glorie na niloko siya ulit ng kanyang kinakasama.

Matapos mawalan ng kaibigan at minamahal, magbabalik-loob na nga ba sa kadiliman si Glorie?

Abangan ang naiibang kuwento ng pagkakaibigan nina Glorie at Arlyn sa fresh episode ng “#MPK” ngayong Sabado, 8 p.m., sa GMA 7.

Read more...