Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nanawagan sa publiko at sa mga local officials na makiisa sa mga ginagawang hakbang ng gobyerno para maiwasan ang pagtaas sa bilang ng mga nahahawa sa Covid-19.
Pero ibang usapan na kung mismong mga opisyal ng pamahalaan ang hindi magpapatupad ng paghihigpit sa kampanyang ito para sa buong sambayanan.
Noong June 10 ay naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang ilang residente ng Puerto Princesa City sa Palawan.
May kaugnayan ito sa pag-apruba ng pamahalaang panlungsod sa pangunguna ni Mayor Lucillo Bayron sa pagbubukas ng Balayong Fun Ride and Acacia Tunnel Lighting sa Puerto Princesa City.
Dinagsa ito ng higit sa 1,300 residente ng lungsod at mga kalapit-lugar ayon sa inihain nilang reklamo kung saan ay hindi rin umano nasunod ang social distancing.
Paglabag sa Bayanihan Act at open disobidience sa ilalim ng Article 231 ng Revised Penal Code ang inihaing reklamo ng ilang concerned residents ng lungsod.
Bukod sa alkalde, kasama rin sa mga nakasuhan sina Judith Bayron na siyang tumayong chairperson ng executive committee para sa nasabing event, Dean Palanca na pinuno ng City Incident Monitoring Team at pati si Games and Amusement Board Chairman Abraham Mitra.
Isinama si Mitra sa reklamo dahil sa hindi niya pagsusuot ng face mask at face sheld na paglabg sa ipinatutupad na minimum health protocol kung saan napaulat na nag-positive siya ssa Covid-19 ilang araw makalipas ang nasabing event na naganap noong May 7.
Ayon sa ulat ng Octa Research, ang Puerto Princesa City ay kasama sa mga lugar na may pinaka-mataas na kaso ng Covid-19 patunay dito ang pagsasa-ilalim sa buong lungsod sa Enhanced Community Quarantine mula June 1 hanggang June 15.
Ang nasabing reklamo sa tanggapan ng Ombudsman ay patunay lang na ang karamihan ay mas concious na ngayon sa kanilang kaligtasan dahil sa totoo lng hindi po biro ang epekto ng Covid-19 hindi lamang sa ating pangangatawan kundi sa buong sangkatauhan.