Mediaman inambus, patay

DALAWANG tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng isang media practitioner sa Calapan City, Oriental Mindoro, Miyerkules ng hapon.

Ang biktima ay nakilalang si Vergel Bico, 40, editor ng isang lokal na pahayagan sa lalawigan, ayon kay Senior Supt. Ronaldo de Jesus, direktor ng Oriental Mindoro provincial police.

Naganap ang pamamaril alas-4 ng hapon sa Brgy. Pachoca.

Nagmomotorsiklo si Bico mula Brgy. Balite nang buntutan at pagbabarilin ng isa sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo, ani De Jesus.

Isinugod pa si Bico sa Maria Estrella Hospital ngunit di na umabot nang buhay, ayon sa opisyal.

Ayon sa mga napaunang ulat, isa umanong hard-hitting journalist ang biktima.

Sabi pa ng opisyal, nagbuo na sila ng task force na siyang tututok sa kaso ni Bico.

Read more...