22 preso pumuga

TUMAKAS ang 22 preso  mula sa Valencia City Jail ng Bukidnon Miyerkules ng hapon, dahilan para maglunsad ang mga awtoridad ng malawakang pagtugis.
Tumakas ang mga presong pinamunuan nina Dionecio Daulog, Albert Espinosa, isang “Khalid,” at isang “Tacoy” sa pasilidad na nasa Brgy. Pinatilan dakong alas-3:30, ayon kay PNP spokesman Senior Supt Reuben Theodore Sindac.
Agad naman aniyang naaresto ang isang preso, na may dalang shotgun at motorsiklo, ani Sindac, gamit bilang basehan ang ulat ng Northern Mindanao regional police.
Nagpakalat aniya ng tauhan ang Bureau of Jail Management and Penology, pulisya, at militar para tugisin ang iba pang pugante.

Read more...