HUMAKOT ng awards ang mga Kapuso stars at personalities sa nagdaang 4th Asia Pacific Luminare Awards.
Sa ilalim ng entertainment category, kinilala bilang Favorite and Inspiring Love Team of the Year ang tambalang Rita Daniela at Ken Chan habang ang “The Lost Recipe” actor namang si Kelvin Miranda ang binigyan ng Fast Rising Young Celebrity of the Year award.
Tinagurian namang Most Inspiring and Stand Out Actor of the Year si Rocco Nacino.
Samantala, parte rin ng kanilang list of awardees sina Matt Lozano na nag-uwi ng Breakthrough Artist of the Year award at Joaquin Domagoso bilang Most Impressive Teen Actor of the Year award.
Ang Asia Pacific Luminare Awards ay isang organisasyon na naglalayong kilalanin ang pinaka magagaling na personalidad sa iba’t ibang industriya sa Asya.
* * *
Naintriga at na-excite ang mga netizens sa pasilip ng upcoming GMA series na “The World Between Us” na pinagbibidahan nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.
Nitong June 9 ay inilabas na ang unang teaser ng naturang Kapuso serye kung saan makikitang naudlot ang kissing scene ng mga karakter nina Alden at Jasmine na sina Louie at Lia.
Maririnig din sa teaser ang boses ni Lia na nagsasabing, “Abot kamay na kita, ganito na tayo kalapit sa isa’t isa. Pero ba’t ganu’n? Ba’t parang napakalaki ng hadlang sa pagtatagpo ng ating mga puso?”
Naintriga tuloy ang kanilang fans sa kung ano ang magiging takbo ng kuwento ng serye at kung anu-ano ngang karakter ang gagampanan nina Alden at Jasmine.
Hula ng isang netizen, “Hmmm, the way Alden delivered his lines, and that retro transition, I think magkaiba sila ng timeline.”
Maliban sa muling team-up nina Alden at Jasmine, inaabangan na rin ng viewers ang kakaiba at challenging role na gagampanan ni Tom Rodriguez sa serye.
Matatandaan na una nang ibinahagi ng aktor ang kanyang new look para sa serye kung saan mapapansin na tila may pagka-bad boy ang kanyang dating.
Abangan ang nalalapit na world premiere ng “The World Between Us” ngayong July sa GMA 7. Mapapanood din ito sa ibang bansa sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.