Camille sa mga hindi natutuwa sa kanyang pagpayat: Wala akong nakikitang mali sa katawan ko

MARAMING nanay ang na-inspire sa pinagdaanang fitness journey ng Kapuso actress-TV host na si Camille Prats.

Napa-wow ang mga fans at followers ni Camille sa mga litratong ipinost niya sa Instagram kung saan makikita ang kanyang fit and toned body na produkto ng ilang buwan niyang pagwo-workout.

Ngunit kung may bumilib at humanga sa katawan ngayon ng aktres, meron ding mga netizens ang nangnega sa kanya base na rin sa kanyang mga hugot post.

Nito lang weekend, ibinahagi ni Camille ang kanyang selfie photos suot ang pink sleeveless dress kung saan kapansin-pansin nga ang magandang hubog ng kanyang katawan. 

Kitang-kita sa mga litrato ang resulta ng pinagpaguran niyang fitness journey. “When there’s good lighting,” aniya sa caption.

Makalipas lamang ang ilang minuto, nag-post si Camille sa Facebook ng mensahe na tila sagot sa mga netizens na nagpapadala ng hindi kagandahang mga comments about her.

“To those sending comments about my body, I am at my healthiest. I know I cannot please all of you, but I don’t see anything wrong with my body,” pahayag ng aktres.

Aniya, wala raw siyang problema sa kanyang kalusugan at lalong wala siyang sakit kaya siya namamayat. Malakas at healthy daw siya kaya walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagasuporta.

“Sa mga hindi natutuwa, pasensiya na po. I’m really happy where I am physically. And I hope to inspire more people to choose a healthier lifestyle. Love and light!!” pahayag pa ng Kapuso star.

Sa isang vlog, ipinakita ni Camille ang ginagawa nilang workout ng asawang si VJ Yambao. Aniya pa, na-achieve na niya ang ideal weight para sa kanyang height. 

“I also do my workout in the morning with an empty stomach coz I feel like mas magaan mag-workout, at sabi nila mas effective daw yun so that’s what I’m also doing.”

Bukod dito, talagang kinarir din niya ang pagda-diet, “Malaking part talaga nu’n, not eating pork and beef.

“Nu’ng pinalitan ko yung diet ko because my husband suggested na mag-chicken na lang kami o more of fish and seafood, I also noticed na parang hindi ganu’n ka-bloated yung feeling ko each and every time I eat.

“Parang mas madali siya sunugin at i-burn, at healthier also,” aniya pa.

At tuwing breakfast, “Kape lang talaga ako sa umaga. I enjoy a cup of coffee. I don’t eat breakfast kasi I tried doing this intermittent fasting, and then nanotice ko, because of working out, e, medyo naglu-lose ako ng pounds.

“Tinuluy-tuloy ko na with my diet so tinray ko ulit mag-IF (intermittent fasting), so that’s skipping breakfast. And I eat lunch time tapos kape lang talaga sa umaga.

“I prefer eating more chicken, fish, maraming-maraming gulay. I still eat rice, hindi ko pinipigilan yung sarili kong kumain ng kanin,” aniya pa. At para naman sa dinner, sa halip na magkanin, “I usually change it to adlai, which is gluten-free and a great substitute to white rice.”

Read more...