Jean sinagot ang 'panliligaw' ni Alwyn kay Jennica: '...It's time to say goodbye' | Bandera

Jean sinagot ang ‘panliligaw’ ni Alwyn kay Jennica: ‘…It’s time to say goodbye’

Reggee Bonoan - June 13, 2021 - 05:03 PM

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito kahapon na pakiramdam ng follower ni Alwyn Uytingco ay nililigawan nito ulit ang asawang si Jennica Garcia-Uytingco.

Ito’y dahil na rin sa larawan ni Jennica na ipinost ng aktor sa kanyan
g Instagram account kung saan may hawak na pumpon ng rosas at sunflowers ang aktres.

Sabi ni Alwyn sa caption, “Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco.”

Walang reaksyon o sagot si Jennica sa post ng asawa pero ang biyenan ni Alwyn na si Jean Garcia ay mayroong mensahe sa kanyang IG account na tumutukoy sa relasyon ng kanyang anak kay Alwyn.

“Just saying…(heart at sunflower emojis),” ang caption ni Jean sa pinost niyang quote.
                                     
“You can love someone with all your heat, but if they’re not going to be a good person for you, in your life… Then it’s time to just say goodbye,” aniya pa.

Libu-libo ang nag-like sa post na ito ni Jean at kulang 100 naman ang komento kung saan halos lahat ay pabor sa sinabi ni Jean at ‘yung iba ay nagkuwento pa na ganito rin ang ginawa nila sa kanilang relasyon at tinuldukan na nila ito.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento ng netizens hinggil sa issue.

Ayon kay @gretchengamurot, “Sunflower un hawak ni Jennica sa post ni Alwyn…and this post is an answered message I think sa message sa post.”

Sang-ayon din si @itsjl716, “Tama poh wag maging tanga. Sa panahon ngyun madaming bulag sa fake na pagmamahal.”

Susog din ni @tripster2020, “What’s the point of saying I love you in public when you know you’re just hurting her in private.”

Sabi rin ni @brit_britshie na tapusin na, “Period!!! Always choose yourself and your mental health.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring sagot o reaksyon si Alwyn sa post ng mother-in-law niya pero umaasa pa rin ang kanilang supporters na sana’y magkaayos na sila ni Jennica.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending