Mama Loi napa-‘Whaaaat?!’ sa talent fee ni Bea Alonzo

DENNIS PADILLA INTERVIEW, BA'T NA-DELETE?

Kumalat kamakailan ang tsikang tinanggihan na si Bea Alonzo ng GMA-7 dahil sa sobrang taas umano ng hinihingi nitong talent fee.

Kaagad naman itong itinanggi ng bagong manager niyang si Shirley Quan base sa kuwento ng talent manager at content provider na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update kasama si Mama Loi at nasa background naman si Mama Jegs.

“Nabalita na gagawa ng teleserye si Bea Alonzo sa GMA-7, pero ang confirmed lang ay gagawa siya ng movie with Alden Richards produced by GMA Films,” kwento ni Ogie.

“Feeling ko hindi ‘yan (dahilan na mataas ang talent fee) tanong muna natin ang kasagutan kung may alok ba kay Bea Alonzo?,” dagdagd pa nito.

“Kaya nagkaroon ng isyu na ang mahal ng tf ni Bea. Mahal daw ang per day niya.”

Tinanong naman ni Mama Loi si Ogie kung magkano nga kaya ang per day ng aktres.

“Kung ako kung ibabase ko sa narating ni Bea sa industriyang ito ‘yung kinalalagyan ni Bea kung nasaan na ba siya ngayon feeling ko kung ako ‘yung manager niya nasa P400-500 thousand per taping day.”

Nanlaki ang mga mata ni Mama Loi, “What?”

“Abangan natin kung anong masasabi ni Bea diyan kasi ang narinig din natin ay itinanggi ng kampo (manager) ni Bea na sila ay tinanggihan ng GMA,” sundot ni Ogie.

Tama, hintayin na lang natin kung ano ang magiging official statement ng magkabilang kampo tungkol dito.

Pero marami na talaga ang nag-aabang kung magiging Kapuso na rin si Bea tulad ni John Lloyd Cruz at kung posible nga kaya na magsama sila isang GMA project.

Read more...