Ilang buwang hinihintay ang reaksyon o official statement ni Alwyn Uytingco tungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Jennica Garcia-Uytingco pero walang anumang pahayag ang aktor.
Nitong nakaraang Mayo 25, ipinost ng aktor ang larawan ng dalawa nilang anak ni Jenica na sina Athena Mori at Alessi na sinabing miss na miss na niya sila.
At nitong Biyernes ng gabi ay nag-post si Alwyn ng larawan ng asawang may hawak na mga rosas at daisy na ang caption, “Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco.”
Ikinasal ang dalawa noong Pebrero 12, 2014 at naghiwalay matapos ang pitong taon. Umaasa pa rin ang kanilang mga tagahanga na magkakaayos pa ang mag-asawa.
Mahigit sa 18,ooo ang nag-like sa post na ito ni Alwyn habang 1,415 naman ang comments. Umaapaw ang mga emoji heart mula sa fans at pati na rin kina Hayden Kho, Say Alonzo, Empoy, at iba pang personalidad.
Ayon kay @jenesis24_2016, “Sana masabi mo sa kanya ng personal. I can still recall your testimony/lovestory in 700Club Asia. Maayos n’yo yan with God’s help.”
Hirit naman ni @reylanfuertes, “@jenesis24_2016 baka nasabi na n’yan sa personal my pabulaklak n nga.”
Say naman ni @chrlnsplaybook, “Aww.. Kayo po ang power couple ko! Sobrang daming beses ko na umattend ng nga talks ni Ms Jennica and lagi kayong andoon kaya sabi ko goals kayong dalawa, kaya na-sad ako sa mga post before. I am happy to see Ma’am Jennice on your feed again.”
Anyway, baka naman muling nililigawan ni Alwyn si Jennica kaya may pa-flowers?
Ito rin ang paniniwala ni @haney_babes, “Wow thank God. Sana magkabalikan n nga kyo alang-alang s mga magaganda bata n regalo s inyo ng Dios sa pagtanda nyo sila ang totoo kayamanan nyo..kya pagkaingatan mo sila. Napakaganda ng pamilya nyo lalo pat may nanay sila magaling mag alaga at isa huwaran asawa at ina.”
* * *
Pagkalipas ng halos 10 years ay nagkahiwalay na sina Jasmin Curtis Smith at manager nitong si Betchay Vidanes ng Vidanes Management. Lumipat na ang Filipino-Australian actress sa Crown Artist Management na pag-aari nina Maja Salvador at boyfriend nitong si Rambo Nunez.
Tandang-tanda namin na sa TV5 unang nagkaroon ng mga programa tulad ng dance show na Move It at social media show na Spinnation na siya ang host. Si Betchay ang nakikita naming kasama ni Jasmin noon kapag may contract signing siya sa network.
Kaya nagulat kami ng mag-post si Maja sa kanyang Instagram account ng video ng babae na hindi ipinakikita ang mukha na ang nakalagay ay #JASanotherQueen.”
At halos iisa ang komento ng followers ni Maja na si Jasmine Curtis nga ito.
Binati pa ang aktres ni @iamchummy28, “Naks nakaka-proud ka Maj, I know that you will bring out the best of them for sure, just like what you did in everything that you do. Majanager fighting.”
Tinext namin si Betchay kung kanya pa si Jasmin at sinagot kami kaagad ng, “Hindi na po (emoji heart). Under Crown Artist Management.”
Sunod na tanong namin kung sino ang nang-iwan at bakit pero hindi na kami sinagot pa ng dating manager ng dalaga.
Anyway, ibinuking ng netizen na si John Lloyd Cruz ang makakasama ni Jasmin sa kanyang project mula sa pamamahala nina Maja at Rambo.
“Congratulations Jas! Sana first project mo with John Lloyd!”