Mensahe ni John Lloyd kay Elias: I miss you anak... | Bandera

Mensahe ni John Lloyd kay Elias: I miss you anak…

Reggee Bonoan - June 09, 2021 - 05:54 PM

“I MISS u anak.” Ito ang maikli ngunit punumpuno ng pagmamahal na mensahe ni ni John Lloyd Cruz para sa anak nila ni Ellen Adara.

Ipinost iyan ni John Lloyd sa kanyang Instagram Story na ang ibig sabihin ay hindi niya nakikita si Elias Modesto. Malamang huli pa silang nagkasama noong pumunta sila sa Puerto Galera para i-meet si Willie Revillame.

Anyway, true ba na masusundan ang pagre-record ni John Lloyd ng kanta? Mukhang naibigan ng kilalang kompositor na si Vehnee Saturno ang boses ng aktor sa awiting “Yakap” na kinanta nito sa isang TV special na ipinalabas sa GMA 7 nitong nagdaang Linggo.

Nag-post si Vehnee ng larawan nila ni Lloydie habang nasa recording studio na may caption na, “Recording session with John Lloyd. Watch for his original songs very soon!” 

Tarush! Bukod sa pag-arte ay may bago nang career ngayon si JLC.

* * *

Maaari nang magparehistro ang film at audiovisual (AV) workers sa kani-kanilang local government units (LGUs) para sa kanilang pagbabakuna matapos na palawakin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang A4 Priority Group para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at mga freelancer na nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan.

Ito ay inihayag noong Hunyo 7 sa NCR+8 Commitment Ceremony at Symbolic Vaccination ng A4 Priority Group para sa paglulunsad ng programa ng pagbabakuna para sa mga manggagawa sa A4. 

“With the start of our mass vaccination, the A4 priority category, our workers in both public and private sector, will have an added layer of protection against the disease,” pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang video message. 

Alinsunod sa IATF Resolution No. 114, ang Implementing Guidelines para sa A4 Priority Group ay may tatlong klasipikasyon na may prayoridad para sa NCR+8 na lugar (National Capital Region, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao) para sa Phase 1 na susundan ng mga lugar sa labas ng NCR+8 para sa Phase 2:

A4.1 – Mga manggagawa sa pribadong sektor na nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan

A4.2 – Mga empleyado sa mga ahensya ng gobyerno at instrumentalities nito, kabilang ang government-owned o controlled corporations (GOCCs) at LGUs

A4.3 – Mga informal sector worker at self-employed na nagtatrabaho sa labas ng kanilang mga tahanan at mga nagtatrabaho sa private households 

Ayon sa Department of Health (DOH) Department Memorandum (DM) No. 2021-0259, ang mga establisyemento, ahensya, at samahan ay maaaring magbigay sa mga manggagawa sa A4 ng mga proof of eligibility tulad ng, ngunit hindi limitado sa, kanilang company ID, mga kontrata o permit, mga certificate of eligibility, o kahit na anong proof of occupation.

“Malugod na tinatanggap ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pagpapalawak ng A4 priority group, na kabilang na ang film at audiovisual workers. Nag-lobby kami para rito simula noong 2020 dahil ang pagbabakuna ay susi para maipagpatuloy ng industriya ang mga aktibidad nito,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño. 

Nag-lobby ang pambansang ahensya ng pelikula para sa pagbabakuna ng film at AV workers sa IATF, DOH, at National Economic and Development Authority (NEDA). Ipinagpatuloy ni Diño, “Handa ang FDCP na tulungan ang ating film workers kung kailangan nila ng proof of eligibility para mabakunahan sa ilalim ng A4 priority group. 

“Sa pamamagitan ng FDCP National Registry, makapagbibigay kami ng certification sa lahat ng NR registered workers na maaari nilang magamit bilang patunay na sila ay active film worker. Salamat IATF sa pagdinig sa panawagan ng working sector na mabigyang halaga ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maaaring humingi ang mga miyembro FDCP National Registry Workers ng certificate of registry mula sa FDCP para magamit bilang proof of occupation. Para sa iba pang film at AV freelancers na nais mag-register sa National Registry, magpadala ng email sa [email protected] o bumisita sa https://nationalregistry.fdcp.ph. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending