Julia tinanggal ang litrato ni Gerald sa IG na may kasamang aso; na-guilty sa isyu ni Dennis? Bandera

Julia tinanggal ang litrato ni Gerald sa IG na may kasamang aso; na-guilty sa isyu ni Dennis?

Reggee Bonoan |June 08,2021
share this

Julia tinanggal ang litrato ni Gerald sa IG na may kasamang aso; na-guilty sa isyu ni Dennis?

Reggee Bonoan June 08,2021 - 04:40 PM

NA-GUILTY kaya si Julia Barretto kaya tinanggal ang ipinost niyang larawan ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson habang nakahiga sa kama at katabi ang fur baby nilang si Amari (St. Bernard ang breed).

Ang caption kasi ni Julia rito ay, “Missing (heart at kisses emojis).”

May ilang netizens kasi ang nagkomento na buti pa si Gerald at ang alagang aso ay nami-miss ng aktres samantalang ang amang si Dennis Padilla na humihingi ng oras na makasama silang magkakapatid ay hindi niya mapagbigyan.

Ayon sa netizen, “Sayang ang paluha ni Dennis (emote niya ng ma-interview siya ni Ogie Diaz).”

At ‘yun nga, deleted na ang mga larawang ito ni Gerald at ni Amari sa Instagram account ni Julia na ipinost niya nitong Lunes ng gabi at tinanggal naman ngayong araw.

Sa kasalukuyan ay nasa lock-in taping si Julia sa Subic, Zambales para sa seryeng “Di Na Muli” na ipalalabas sa TV5 mula sa direksyon ni Andoy Ranay produced ng Cignal TV at Viva Television.

* * * 
                                        
Una naming narinig ang pangalang Ethel Booba bilang contestant noon ng “Sing-Galing” sa TV5 taong 2002 na linggo-linggo ay nag-uuwi siya ng premyo dahil lahat ng kalaban niya ay laging talo. Hindi naman nagtagal ay naging champion na siya bilang BidaOke Star.

Sexy at petite pa noon si Ethel kaya naman linggu-linggo ay inaabangan siya ng lahat hanggang sa pinasok na niya ang showbiz at lumabas sa mga programang “Whattamen,” “All Together Now,” “Extra Challenge,” “Bubble Gang” at marami pang iba.

Naging kontrobersyal din siya dahil sa naging relasyon nila Alex Crisano pero ngayon ay masaya na siya sa present partner niya kasama ang kanilang supling.

Anyway, nagbabalik sa “Sing-Galing BidaOke” si Ethel bilang guest star ngayong season. Simula noong June 1 episode, gabi-gabi nang makikipag-kantawanan si Ethel sa show.

Bilang comeback ni Ethel sa nasabing programa at may hinanda rin siyang nakamamanghang pasabog sa lahat ng viewer’s ng “Sing-Galing” kasama ang Sing Masters na sina Randy Santiago, Donita Nose, K Brosas, Juke Bosses na sina Rey Valera, Ronnie Liang, at Jessa Zaragoza.

Ang “Sing-Galing” ay napapanood tuwing 6:30 p.m. sa TV5.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending