Napoles may 4 foreign account


BUKOD sa 400 bank accounts ng pamilya ni Janet Lim Napoles na kamakilan lamang ay na-freeze, sinasabi na meron pa umanong apat na malalaking account ang mga ito sa Estados Unidos.

Sa ulat ng ABS-CBN kagabi, tinukoy ng pinakabagong whistleblower ang umano’y malalaking bank account ng mga Napoles sa US.

Ang apat na ito ay nakapangalan diumano sa anak nitong si Christine Lim Napoles, Reynald Lim, Jose Napoles at Lim Western Investment Corportaion, ayon sa isang Alexis na dati umanong empleyado ni Janet Lim Napoles, ang itinurutong utak ng P10 bilyon pork barrel scam at ngayon ay nakakulong sa Fort. Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Isang dati ring kasambahay ng mga Napoles ang umuwi sa bansa para umano’y linisin ang kanyang pangalan matapos mapaulat na ipinangalan sa kanya ang isa sa mga pekeng NGO na nakinabang sa pork barrel ng mga mambabatas.

Samantala, sinabi kahapon ng abogado ni Napoles na si Lorna Kapunan, na hihilingin niya sa korte ngayong linggo na alisin na ang freeze order laban sa mga bank accounts ng kanyang kliyente.

Ayon kay Kapunan, tatanungin din niya ang basehan ng ruling ng korte.  Anya, hindi sapat na ibase lamang ito sa ulat ng Commission on Audit.

Kasabay nito, hihilingin din ni Kapunan sa korte na magpalabas ng freeze order sa mga bank accounts ng mga senador at kongresista na sabit sa report ng CoA.

“That is called equal protection of the law,” giit niya. Dapat din anyang i-freeze ang account ng 82 NGOs na sangkot din sa nasabing report

Read more...