KAMAKAILAN lang ay umamin ang Department of Trade and Industry na wala itong kapabilidad na alamin kung ang mga crash helmets na naibebenta kung saan-saan ay sigurado ngang nakapasa sa tinatawag na Philippine Standard (PS).
Ang pag-amin na ito ay nakakalarma naman talaga, higit sa lahat sa mga motor rider na halos araw-araw ay maaring masita sa mga checkpoint at maging sa mga pangongotong ng mga nakauniporme sa kalye.
Alam na ng mga riders kung paano sinusuri ng DTI agents ang kanilang mga helmet, at alam na rin ang kanilang kaparusahan.
Kaya nga may suggestion ang DTI na ilipat na lamang sa Department of Science and Industry ang trabaho na mag-check sa mga helmet dahil nga wala silang kapabilidad para mabatid na ang helmet na gamit ng isang rider ay pasado nga.
Problema na naman ito sa mga riders. Nakakaba nga naman kung pati ang mga DOST agents ay lalabas sa kalye para i-check ang mga helmet kung ang kanila PS seals ay tunay.
Bangungot kapag lumabas pa ang mga ito dahil dagdag pasanin na naman ito sa bulsa ng mga rider, bukod pa sa iniinda nilang walang plaka at sticker at sa napipintong pag-alis ng mga four-number tins (four-number plates na mapapalitan na ng limang numero).
Daming gastos sa mga ito lalo kung may panibagong aplikasyon para sa bagong plaka. Sa kanyang pagharap sa House committee on appropriations, sinabi ni Trade Secretary Gregory Domingo na wala talagang kakayanan ang departamento para matukoy kung ang isang helmet ay may silbi o wala.
“We have national standards for helmets but we don’t have testing centers for that and only rely on testing of other country’s testing companies,” ayon kay Domingo. Sa kayang pag-amin, e, ano pa nga ba ang silbi ng PS at ICC sticker? Parang wala rin silbi.
Classifieds Motor
SWAP Honda Wave 0935-3867561
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number). Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769.
MOTORISTA
OKEY bang gamitin ang 2T pang change oil sa four-stroke? Ano ba ag epekto nito sa makina?…6003 ComVal
BANDERA
HINDI angkop ang 2T oil para sa four-stroke motorcycle. Sa four-stroke, ang kailangan ay premium mineral engine oil para mapatakbo nang husto ang makina nito.
Napapanatiling bago ang makina ng premium mineral oil, bukod sa naglilinis ito ng dumi. Ang maruming makina, bunsod ng di angkop na langis, ay nagiging maingay at lumalakas ang vibration.
Pero, hindi nararamdaman ang lumalakas na ingay at vibration kapag ang motor ay open muffler.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769