Jerald, Kim dedma muna sa kasal: Kailangan muna naming maka-survive

“WE need to survive muna,” ang sagot ng aktor at komedyanteng si Jerald Napoles nang matanong kung may plano na rin ba sila ni Kim Molina na magpakasal.

In fairness, six years nang magkarelasyon sina Jerald at Kim kaya kapag sumasalang sila sa presscon ay palagi silang natatanong tungkol sa paglagay sa tahimik at pagbuo ng sariling pamilya.

Sa nakaraang virtual mediacon ng Viva Films para sa pelikulang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na pinagbibidahan ng magdyowa, nagbigay uli sila ng update about their relarionship.

Ayon kay Kim, maayos at going strong pa rin ang relasyon nila ni Jerald at nagpapasalamat sila dahil kahit may pandemya ay tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho nila. 

At nang mapag-usapan na nga ang kasalan, si Jerald na ang agad sumagot, “Ano po, eh, kasi late bloomer kami sa career. We want to maximize po sana kung ano po yung kayang i-offer pa namin para mas solido yung pundasyon kung saan man kami papunta in the near future.” 

Sey pa ng aktor, tulad ng ibang couples, napag-uusapan naman daw nila ang paghahanda sa kanilang future ngunit may mga bagay-bagay pa raw na dapat silang i-prioritize sa panahon ngayon ng krisis.

“Hindi naman po namin inaalis sa isip namin yung mga ganu’ng bagay. Sa ngayon lang po kailangan po na… para sa akin at naniniwala naman po si Kim dito at nasabi ko na rin sa kanya especially during this pandemic, it’s a day-to-day basis approach.

“Mahirap pa kasing magplano ngayon regarding sa ganyan. We need to survive muna now and then let’s plan it together again after the year and see what happens.

“Maybe we can plan something else to both of us, but for now as far as we have careers because a lot of people ay nare-retrench, nawawalan ng trabaho, maraming nawalan ng career kaya sa ngayon trabaho muna yung focus natin,” esplika pa ni Jerald.

Samantala, sinagot din ni Jerald ang tungkol sa tinatawag na “seven-year itch” sa mga magdyowa. Pinaniniwalaan kasi na ang ikapitong taong relasyon ng isang couple ang pinakakritikal.

Masusubok daw kasi rito kung gaano katatag o kasolid ang pagsasama ng magkarelasyon at kapag nalampasan na nila ito ay magiging mas madali na ang mga susunod na taon.

“Ako na lang ang magsasalita tungkol diyan kasi usually kaming mga lalaki ang nakasalang sa ganito, eh. 

“Ano po, eh, constant communication and kailangan n’yong pag-usapan lahat sa fourth year pa lang habang papuntang fifth, sixth, seventh year para hindi kayo nagtatago sa isa’t isa.

“Kumbaga on the sixth year you’ve been talking about what’s happening, is it growing, parang may ganun lang para sa seventh year n’yo parang renewal of contract na lang kumbaga. 

“Kasi basically, maski naman po akong lalaki on the sixth year aware ka na na, ‘Uy, may narinig akong seventh year itch. Ano ba yon? Sana hindi yon mangyari sa amin?’

“To be honest, of course nasa utak ko yon at kailangang napi-preempt mo na siya. Kung ano ba yung bagay na magiging dahilan,” ang dire-diretso pang pahayag ni Jerald.

Read more...