Alex 15 years na sa showbiz: Di man tayo kagandahan noon ang importante gumanda na kahit paano

HASHTAG #WalangImpossible ang bonggang hugot ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga para sa selebrasyon ng kanyang 15th anniversary sa mundo ng show business.

Ayon kay Alex, kahit daw hindi siya masyadong kagandahan ay nabigyan pa rin siya ng chance na maging artista at makasama ang ilan sa malalaking celebrities na hinahangaan niya.

Sa kanyang social media account, nag-post ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga ng kanyang throwback photos na kuha noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

Aniya sa caption, “Di man tayo kagandahan noon ang importante gumanda na kahit paano ngayon. Happy 15th anniversary to us mula nung kinapalan mo mukha mo at nag-audition ka.”

Dagdag pang chika ng TV host at aktres, “Akalain mo yun makakapasok tayo sa showbiz kaya talagang God is good and thank you Lord meron tayo ate!  #WalangImpossible.”

Ito naman ang mensahe ni Toni para sa 15th year ng kapatid sa entertainment industry, “Congrats @cathygonzaga !!!!! Thank you for starting the party already even before anyone celebrates you. I’m proud of you!” 

“Parang sa 15 years, 13 years puro heartaches, but you kept your faith and pushed yourself to keep going. 

“I’m so happy you are reaping the rewards of your perseverance. Your best days are still in front of you! Love you! You are an inspiration.️@cathygonzaga,” dagdag pang pahayag ni Toni para sa nakababatang kapatid.

Sunud-sunod naman ang pagbati kay Alex ng kanyang mga social media followers kabilang na ang mga kaibigan at kasamahan niyang celebrities.

Read more...