Aktres kayod sa lock-in taping, may pinag-iipunan; mga kwentong LGBTQ tampok ngayong Pride Month | Bandera

Aktres kayod sa lock-in taping, may pinag-iipunan; mga kwentong LGBTQ tampok ngayong Pride Month

Reggee Bonoan |June 05,2021
facebook
share this

Aktres kayod sa lock-in taping, may pinag-iipunan; mga kwentong LGBTQ tampok ngayong Pride Month

Reggee Bonoan - June 05, 2021 - 05:26 PM

Naawa ang common friend namin sa aktres na may bagong mamahaling sasakyan ngayon na ginagamit niya sa taping ng programang kasama siya.

Kuwento ng common friend namin ng aktres, “Galing sa talent fee niya ang ipinang-down nu’ng van. Nasuwertehan kasi may discount kaya tapos malaki ang dp (downpayment) niya. Tapos buwan buwan niyag huhulugan for 3 yeas. ‘Yun ang gusto niya (aktres) masyado raw matagal ang 5 years.”

Araw-araw ang taping ng aktres sa seryeng kinabibilangan niya. Kahit naka-lock in taping sila ay umaabot daw sa 3-5 beses sa isang linggo ang trabaho ng aktres kaya naiipon niya ang pambayad ng van niya.

Actually, suwerte ng aktres dahil hindi pa man tapos ang serye ay may naka-antabay na siyang show.

“Saka wala namang ibang pinagkakagastuhan si (aktres), magulang lang niya at sarili niya kaya makakaipon talaga,” kuwento pa ng common friend namin.

* * *

Sa pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo ay mapapanood sa iWantTFC ang iba’t ibang nakakaaliw at nakakaantig na pelikula at seryeng may kinalaman sa kwento ng LGBTQ plus community.

Mapagpipilian ng iWantTFC subscribers ang blockbuster hits ni Vice Ganda na “Girl, Boy, Bakla, Tomboy,” “This Guy’s in Love with U, Mare,” at “Petrang Kabayo.”

Tungkol naman sa pagpapakatotoo sa sarili at pamilya ang “Die Beautiful” at “The Panti Sisters” ni Paolo Ballesteros.

Tampok naman ang mga karakter na umibig sa parehong kasarian sa “Ang Dalawang Mrs. Reyes” nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban, “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!” nina Anne Curtis-Smith, Dennis Trillo, at Paolo Ballesteros, at “The Third Party” nina Angel Locsin, Sam Milby, at Zanjoe Marudo.

Pagiging “out and proud” ang tema ng mga iWantTFC original series na “Oh, Mando” nina Kokoy de Santos at Alex Diaz at “Fluid” nina Ann Colis at Roxanne Barcelo, at “My Single Lady” kung saan tatahakin ni Jodi Sta. Maria ang mga pagsubok ng buhay kasama ang tatlong drag queens.

Tampok naman ang magkakaibigan na sabay-sabay madidiskubre ang tunay nilang pagkatao sa “Mga Batang Poz” at “Manilennials.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung kilig ang hanap, available sa iWantTFC ang mga boys’ love (BL) series tulad ng “Hello Stranger” nina Tony Labrusca at JC Alcantara, pati ang mga pinagkaguluhan na Thai series ng BrightWin na “2gether The Series” at “Still 2gether,” at “A Tale of Thousand Stars,” “Theory of Love,” “The Shipper,” “Dark Blue Kiss,” at “Come To Me.”

Mababalikan din sa iWantTFC ang iba’t ibang classic films na “Markova The Comfort Gay,” “Bala at Lipstick,” “Facifica Falayfay,” “Manay Po,” at “Ay Manuela,” pati na ang restored versions ng “T-Bird at Ako” at “In My Life.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending