Babaeng Fil-Am superhero na si Ari Agbayani, kabilang sa bagong serye ng Captain America

Isang Filipino-American superhero ang kabilang sa pwersang lalaban sa mga masasama sa bagong seryeng “The United States of Captain America #4.”

Kaalinsabay sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng kinagigiliwang Captain America ngayong buwan, isang diverse cast ng bagong hero ang ipakikilala ng Marvel, kabilang dito si Ari Agbayani.

Nilikha ng manunulat na si  Alyssa Wong (Star Wars: Doctor Aphra) at Jodi Nishijima (Teenage Mutant Ninja Turtles),  si Ari ay isang local na Captain America-inspired hero na humihingi ng hustisya sa kanyang college campus. Kapag ang kanyang iskwelahan ay hindi kumikilos laban sa mga istudyanteng gumagawa ng katarantaduhan, si Ari ay naroroon para sugpuin ito. At kung kinakailangan ng maruming laro, handa siyang gawin ito.

Ayon kay Wong, kinausap siya ng editor na si Alanna Smith kaugnay sa paglikha ng bago at lokal na Captain America para sa serye.

“I immediately knew I wanted to write a Filipino-American girl. There just aren’t very many of us in comics! I grew up without a Filipino-American community for the most part, so every time I see a Filipino character, I get excited. And getting to create one—a Captain America, even!—feels incredibly special,” wika ni Wong.

Si Ari Agbayani ay isang iskolar sa isang maliit at pribadong unibersidad. Nang malaman niya na ang kanyang matalik na kaibigan ay biktima ng isang mayamang legacy student, determinado si Ari na itama ang mali. Pero ano ang kanyang magagawa kung ang importante lamang sa kanyang kolehiyo ay mapanatiling kontento ang kanyang mga donor, at kalahati sa mga gusali ng kampus ay nakapangalan sa nang-abuso sa kanyang kaibigan? Kailangan niyang maging mapanlikha.

“Like the other Caps, Ari has a strong sense of justice and admires the ideals Captain America embodies. But the Captain America she’s inspired by isn’t Steve Rogers–it’s Bucky Barnes. Someone who hates bullies as much as Steve does, but is willing to use sneakier, shadier tactics to deal with them,” ani Wong.

“Ari’s a vigilante, and she knows that you can’t always win by playing by the rules. Bucky’s influence is reflected in her costume, designed by the incredible Jodi Nishijima,” dagdag niya.

“Jodi has done such a great job bringing Ari to life. Her art is so playful, charming, and fun. It’s been an honor to co-create Ari with her!”

Napapanahon ang paglalabas ng isang Filipino-American superhero ng Marvel ngayong lumalala ang mga racist na pag-atake sa mga Asyano sa Amerika.

Abangan ang paglabas ni Ari sa Marvel Cinematic Universe ngayong Setyembre 22.

Read more...