‘Kingdom: Ashin of the North’ lalabas na sa Netflix

Kingdom: Ashin of the North | On Netflix In 2021 | Netflix

Malapit nang lumabas ang pinakaaabangan na special episode ng “Kingdom: Ashin of the North.”

Ayon sa Netflix, sa Hulyo 23 na ang release date ng Korean zombie series.

Sa special episode na ito ay ibubunyag ang pinagmulan ng resurrection plant na siyang pinagmulan ng katakut-takot na trahedya na lumukob sa Joseon at sa isang babaeng inabandona ng lahat–si Ashin.

Sa ni-release na footage,  makikita ang batang si Ashin na may hawak na sulo habang pumapasok sa isang madilim na kuweba. Sa loob, nadiskubre niya ang mga nakapagtatakang mga marka sa mga bato kasama na ang misteryosong resurrection plant.

“To revive the dead, a price must be paid,” ang nakasulat pa sa kopya ng promotinal video.

At dito ay nagsimula ang nakaiintrigang  backstory ng epidemya, kung saan ay inilantad kung paanong ang resurrection plant na lumalago sa kanluraning rehiyon ay naglakbay para maghasik ng lagim sa lupain ng Joseon.

Ang “Kingdom: Ashin of the North” ay nasa direksyon ni Kim Seong-hun at sa panulat ni  Kim Eun-hee.

 

Read more...