NAGLULUKSA na naman ngayon ang mundo ng showbiz sa pagpanaw ng character actress at assistant director na si Arlene Tolibas.
Cardiac arrest ang naging sanhi ng pagkamatay ni Arlen na isa ring events director. Siya ay 55 years old.
Bumuhos naman ang mga mensahe ng pakikiramay sa social media para kay Arlene na nakatrabaho na ang halos lahat ng artista at producers sa entertainment industry.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang “First Yaya” actor na si Gardo Versoza ng photo collage ni Arlene na may nakasulat na “Rest in peace” at nilagyan ng praying hands emojis.
Mensahe naman ni Andrea Torres, “She’s a very good friend.”
“So sad to hear about Arlene Tolibas. Nakakalungkot at nakakabigla. Nakikiramay po kami sa kanyang mga mahal sa buhay. Rest now my dear Arlene. Salamat sa lahat. Mahal ka namin,” pahayag ni Ogie Alcasid.
“Rest in Peace”, ang pakikiramay naman ni Randy Santiago. commented,
“Sumakit naman ang dibdib ko,” ani Wilma Doesnt.
“Oh my. Deepest symphaties,” ang mensahe naman ng pakikiramay ni Aiko Melendez.
Samantala, sa Facebook account naman ni Arlene mababasa ang isang post na may nakasulat na “Read a beautiful note from God”. Naglalaman ito ng mensahe tungkol sa kanyang matinding pananampalataya sa Diyos.
“Dear Arlene,
“Your prayers will not go unanswered. I heard you pleas, and I know you want a better life. You’ve gone through so much pain, and you faced your problems with strength and perseverance. Even if everyone leaves you, know that I will always be here for you. Have faith in My plans.”
Kung matatandaan, ipinalabas ang life story ni Arlene sa Kapuso drama anthology na “Magpakailanman” noong 2013 kung saan ginampanan ni Sunshine Dizon ang kanyang karakter.
Bukod sa pagiging direktor, umapir din siya sa ilang TV show at pelikula. Ilan sa mga most recent films na ginawa niya ay ang “A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at ang “Glorious” nina Angel Aquino at Tony Labrusca.