Snooky tinuhog ang 2 major award sa Filmfest Manhattan 2021; Rita binigyan ng ‘honorable mention’

UMAAPAW ang kaligayahan ng Kapuso actress na si Rita Daniela matapos makatanggap ng honorable mention sa isang international film festival.

Ito ay para sa kanyang nominasyon bilang Best Actress sa pelikulang “In The Name Of The Mother” sa katatapos lamang na International Film Festival Manhattan Spring 2021.

Laking pasasalamat ni Rita sa New York-based festival sa pagkilala sa kanyang naging pagganap sa award-winning movie.

“This is encouraging to do better at my craft. Sarap lalo maging mahusay sa trabaho when someone appreciates your craft! God is still so good!” sabi ng Kapuso singer-actress.

Bukod sa proud na proud ang kanyang fans sa bago nitong milestone, excited na rin sila sa muling pagbabalik ni Rita sa TV kasama ang ka-loveteam na si Ken Chan sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Ang Dalawang Ikaw.”

* * *

Waging-wagi rin ang Kapuso actress na si Snooky Serna sa ginanap na 11th International Film Festival Manhattan sa New York matapos maiuwi ang Jury Award Best Performance at Best Actress Award.

Ang dalawang tropeo na natanggap ng veteran actress ay para pa rin sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “In the Name of the Mother.”

Sa panayam ng GMA kay Snooky sinabi nitong, “I really don’t want to cry but I shed a tear. I really did not expect it at all that I’ll win and I won two awards.” 

“It was a dream come true for me,” sey pa ni Snooky na siyang kauna-unahang Filipino actor na nagwagi ng dalawang major awards sa nasabing international film festival.

Read more...