DEAR Atty.:
Hello po attorney. Ano po ang aming gagawin nanalo po kami sa kaso for illegal dismissal. Nag-appeal po sila pero nadismiss. Nag-serve ng alias writ of execution for several times ang sheriff ng NLRC, ayaw tanggapin ng security guard dahil may instruction ang management. Ito ay ang foreign company na DYN Corp, Inc., under balikatan exercises owned by ex-US military personnel, dito po sa Zamboanga City (Edwin Andrews Airbase) noon pang 2002-2003. Dahil matigas at malakas sa gobyerno, pinabayaan na kami ng aming abogado. Muchisimas gracias. Vaya con dios. – Dismissed employee, ….3700
Dear Dismissed employee:
Dahil ito pong kaso ninyo ay “pending”, mawalang galang na po, kayo ay pinapayuhan na makipag-ugnayan muli sa inyong abugado. Hindi kasi kami pinapayagan, bilang mga abugado, na mag-comment sa isang pending na kaso. Gayunman, ang suggestion natin ay magpatulong kayo ulit sa Sheriff ng NLRC. Tungkol naman sa sinasabi ninyong abogado ninyo na nagpabaya anya sa inyo, maaari rin kayong sumangguni sa Integrated Bar of the Philippines at doon magreklamo. – Atty.
Narito po muna ang mga tanong ng ating mga readers. Abangan po ninyo sa Huwebes ang aking sagot.
Dear Atty:
One year old and 3mos na po ang anak ko, at hangagang ngayon di pa rin dumarating ang birth certificate niya. Pinaulit ko po kasi dahil mali ang middle name ng asawa ko. March pa nang ipaulit ko. Nang puntahan ko po sa munisipyo namin hindi pa din tapos. Bakit po ganun? May babayaran pa daw kaming P400 para i-check sa internet kung ayos na o hindi pa. At kung hindi daw maayos, P3,000 daw ang gagastusin ko para magpagawa ng bago. Ano po ba ang kailangan kong gawin? Kulang din po kasi kami sa budget para magpagawa ulit. — Rahima G. Umbi, Datu Paglaz, Maguindanao.
Dear Atty:
Magandang araw po. Ako po ay si Amy 16 years old hiwalay na po nanay at tatay ko. So ang nanay ko lang po ang sumusuporta sa aming dalawang magkapatid sa pag-aaral. Ang tatay ko po ay may iba nang pamilya. Dapat po ba idemanda ko yung tatay ko kasi po hindi siya nagpapadala ng pera sa amin at paano? – Sweet 16
Dear Atty:
Magandang araw madam. Ako po pala si Analou Albano, 22, mula sa Insulan, Sultan kudarat. May katanungan po sana ako tungkol sa birth certificate ng aking anak. Maaari ko po bang palitan ang apelyido niya at isunod sa apelydio ko? Dahil po nagkahiwalay kami ng ama ng aking anak, pero hindi naman po kami kasal. Hindi po ba ako makakasuhan kung palitan ko ang apelyido ng aking anak? Maraming salamt po. — Analou Albano
Baon po ako sa utang sa credit card. Dati naman po ay nakakabayad ako sa oras at hindi pumapalya. Nagkataon lang po ngayon ay nawalan ako ng trabaho kayat nagkapatung-patong ang aming mga utang. Mam, makukulong po ba ako? Kasi sabi sa akin ng bangko pag di kami makabayad ay aarestuhin ako sa bahay namin. Utang ko po ay P20,000. Huwag niyo na lang pong i-publish ang name ko. Taga Marikina City po ako.