Hyperpigmentation

DOC, ano po ba ang dapat kong gawin sa mga acne ko at ano po bang mahusay na gamot para dito? — ….9802
Ang kadalasang sanhi ng pimples ay dahil sa nagbabarang mga “hair follicles oil glands”. Sobrang pag-produce ng “oil or sebum” at ang iritasyon ng balat ay nagtatapos sa impeksyon. Linisin ang balat gamit ang mild na sabon na unscented o kaya ay meron ding mga over-the-counter creams na pwede mong ipahid o kaya ay ointment or lotion na mayroong BENZOYKL PEROXIDE. Pwedeng dagdagan ng TRENITOIN at DALACIN C 100mg 1 cap daily for 1 month. Panatilihin ding malinis ang mukha, maghilamos palagi gamit ang mild o unscented na sabon para hindi mairita ang skin.

Good afternoon, Dr.Heal. Ang tanong ko lang po ay kung bakit ang isang tao ay hindi pa rin tumataba kahit marami naman siyang kumain. – Lira I. Panganiban, 16,
Boracay, ….9038
For sure ang daming naiinggit sa iyo dahil sabi mo kahit malakas ka kumain ay hindi ka naman tumataba. Isa sa maaaring dahilan ay mabilis ang kanyang “METABOLISM”. Pwedeng natural lang ito sa kanyang katawan, nage-ehersisyo siya o kaya naman ay maaari ring meron siyang “HYPERTHYROIDISM” (sa mga susunod na isyu ay pag-uusapan natin ang topic na ito).

Doctor Heal, natanong ng barkada ko kung ano po bang pwede ipahid para sa maiitim na marka sa mukha para ito’y magkaroon ng pantay na kulay. Bigyan niyo po siya ng gamot at anumang alternatibong paraan para dito, salamat po ulit at aasahan ko ang inyong mga sagot. – Aldee Francisco, 19, Makati City, ….4499
Kung “SUSPOTS O FRECKLES” ang sanhi ng “HYPERPIGMENTATION”, mahirap tanggalin ito dahil matagal na sunburn ito. Maaaring maiwasan ang pagdami nito sa pamamagitan ng paglalagay ng sunblock cream o lotion. Iwasan palagi ang matagal na exposure sa init ng araw lalo na mula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Dr. Heal di ako gaano makatulog sa gabi, pumayat din ako, ano po ba magandang vitamins para tumaba ako. Sana po makatulong kayo. –
Rosalyn Dinglasa, 29, Bacolod City, …2354

Daytime ba ang work mo? Ano ang daily routine mo? Stressed ka ba? Ano ang weight and height mo? Hindi mapapalitan ng vitamins ang kakulangan sa tulog. Pwede mong i-reset ang BIORHYTHM mo sa pagtulog. Inom ka ng PROPAN with iron two times a day.

Salamat sa inyong mga tanong, harinawa ang aming mga sagot ay magdala ng lunas sa inyong mga karamdaman. Patuloy po kayong sumubaybay sa Dr. Heal column dito sa Bandera.

Read more...